Magalong DONE DEAL–Si Atty. Vigor D. Mendoza II, LTO chief at Assistant Secretary, at Baguio City Mayor Benjamin Magalong matapos ang signing ng Memorandum of Agreement para sa interconnectivity ng sistema ng traffic enforcement.

LTO, Baguio pumirma ng MOA para sa traffic enforcement interconnectivity

June 27, 2024 Jun I. Legaspi 104 views

LUMAGDA sa Memorandum of Agreement (MOA) ang Land Transportation Office (LTO) at ang Baguio City noong Miyerkules para sa interconnectivity ng sistema sa traffic enforcement department ng syudad.

Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II, mag-uugnay ang MOA sa datos ng dalawang ahensya na magbibigay daan para sa hassle-free na pagpapatupad ng batas trapiko.

“Baguio is the first major city in Northern Luzon that will now interlink with our information system and I’m sure this exchange of information will be both helpful in terms of traffic management, disciplining our drivers and streamlining the payment of penalties,” ani Mendoza.

Mahalaga ang interconnectivity sa patuloy na programa ng Baguio City government sa ilalim ni Mayor Benjamin Magalong para sa smart mobility.

Itinutulak ng LTO, sa ilalim ng gabay ni Department of Transportation Secretary (DOTr) Jaime J. Bautista ang digitalization ng mga serbisyo ng gobyerno, kabilang ang traffic rules and regulations enforcement na mahalaga sa kanyang adbokasiya para sa kaligtasan ng lahat ng mga gumagamit ng kalsada.

Magsisilbi ang MOA bilang mutual sharing ng mga ideya kung saan maaaring gamitin ng LTO ang ilan sa mabubuting gawi ng Baguio City at ipatupad ang mga ito sa ibang LGU kung saan may interconnectivity agreement ang LTO.

Para matiyak na magtatagumpay ang proyekto, sinabi ni Mendoza na isang team ng mga eksperto mula sa LTO ang magmomonitor sa implementasyon ng kasunduan.

“I hope this will just be the start of other exchanges, other joint efforts in order to promote road safety,” saad ni Mendoza.

Nagsalamat si Mayor Magalong sa LTO sa pagtitiwala sa kanila sa proyekto ng interconnectivity at nangakong titiyakin na magiging matagumpay ang proyekto.

AUTHOR PROFILE