Lovi1

Lovi sumabak na sa pagpo-produce

September 24, 2024 Vinia Vivar 160 views

Matapos ikasal last year sa British film producer na si Monty Blencowe, panibagong role naman ang haharapin ni Lovi Poe sa totoong buhay at ito ay ang papel ng pagiging producer.

Nagtayo nga siya ng sariling film outfit, ang C’est Lovi Productions, at co-producer siya ng Regal Films sa pinagbibidahan niyang pelikula na “Guilty Pleasures.”

Nagpasalamat si Lovi kay Roselle Monteverde sa collaboration na ito ng kanilang produksyon.

“I just want to say thank you Miss Roselle and my Regal family. I started my career as a Regal baby. My first-ever film project was with Regal. They were the first ones who followed me and I will always be grateful to them,” sey ni Lovi.

“The fact that I am now part of this collaboration of C’est Lovi Productions and Regal Films, it was such an honor. I just can’t believe that I got to partner with the benchmark of the entertainment industry.

“Regal is one of the established and successful production companies in the Philippines and I’m truly grateful. You can really see how much they support their Regal babies. Since I started as an actress, they have been very supportive, as well,” dagdag pa niya.

At bilang producer na rin, malaking tulong nga raw sa kanya si Roselle na lagi niyang kinukulit ‘pag kailangan niya ng advice.

“Now that I’m venturing into a new job, I’m just so glad that Regal is still be my side. Not only that. I get to call Miss Roselle. I bug her and I ask her for advice. Really, thank you, Miss Roselle. I’m just so happy to be part of this family,” sey ng aktres.

Ang “Guilty Pleasures” ay mula sa direksyon ni Connie Macatuno. Kasama rin ni Lovi rito sina JM de Guzman at Jameson Blake.

BABY GIRL IPINAGDASAL AT ISINAYAW SA OBANDO

Kasalukuyang buntis ang dating miyembro ng Sex Bomb Dancers na si Sunshine Garcia at the age of 40.

Ito bale ang pangatlo nilang anak ng mister na si Alex Castro.

Inanunsyo ni Sunshine ang pagbubuntis kasabay ng kanyang 40th birthday celebration/gender reveal sa kanyang Instagram account. Kasama rin nito ang ilang mga larawan na kuha sa nasabing selebrasyon.

Sey niya sa caption, totoong last pregnancy na niya ito.

“Parang kailan lang 40 na agad and preggy ulit? Totoo na ito bunso na talaga yan. Shout out sa husband ko thank you sa lahat ng effort para maging happy ako sa today,” simula ng caption ni Sunshine.

Ikinuwento niya na ang kanyang hubby ang nagplano ng kanyang birthday celebration.

“Wala talaga ako plan mag celebrate ng birthday ko gusto ko lang mag dinner with family pero ikaw talaga nag plan ng lahat. Thank you and i love you..” aniya.

Sa huli ay nagbigay din siya ng mensahe sa kanyang yumaong magulang.

“Tay/Nay sana kahit wala na kayo dito happy kayo salamat sa gift na nakuha namin sana alam nyo mahal na mahal namin kayo,” ang kanyang mensahe sa magulang.

Sa gender reveal portion ay abot-abot din ang pasasalamat ni Sushine na babae ang kanyang ipinagbubuntis. Aniya ay ipinagdasal at isinayaw pa niya ito sa Obando, Bulacan.

“BIRTHDAY & GENDER REVEAL. TEAM BOY OR TEAM GIRL?? Naka 4 boys na kami ano na ang susunod?

“Walang hanggang pasasalamat kay Lord sa blessing na natatanggap naming pamilya..

“Idinasal, isinayaw sa Obando at higit sa lahat INORDER ng mga anak namin,” caption ni Sunshine.

Matatandaang ikinasal sina Sunshine and Alex in March 2019. Ipinanganak niya ang kanilang first baby na si Axel in September 2018 habang ang pangalawa nilang anak na si Alexander ay isinilang niya noong November 2021.

Bukod kina Axel and Alexander, they also have two grown-up sons, sina Kuya Ashton at Kuya Ching.

AUTHOR PROFILE