
Lovi lilipat na sa Kapamilya network?
SA presscon ng kanyang upcoming movie under Viva Films, ang “The Other Wife” na nakatakdang ipalabas sa Vivamax on July 16, hindi kinumpirma nor dinenay ng singer-actress na si Lovi Poe kung siya ba ang napapabalitang Kapuso actress na nakatakda umanong lumipat sa Kapamilya network. Hinahayaan umano niya ang kanyang manager na si Leo Dominguez na makipag-negosasyon para sa kanyang karera at kontrata. May ilang buwan na rin kasi lumulutang ang balita na si Lovi umano ang susunod na lilipat sa bakuran ng ABS-CBN.
Si Lovi ay huling napanood sa TV series ng GMA na “Owe My Love” na nagtapos sa ere last June 4, 2021. Pagkatapos nito ay lumipad siya pa-Amerika to meet up with her L.A.-based English producer na si Monty Blencowe. Pero agad din siyang bumalik ng Pilipinas para tapusin ang kanyang mga eksena sa pelikulang “The Other Wife” kung saan niya mga kabituin sina Joem Bascon at Rhen Escano mula sa direksiyon ni Prime Cruz at para na rin tumulong sa promo ng pelikula which has a July 16 release on Vivamax.
Samantala, inamin ni Lovi na first love umano niya ang singing pero in-embrace na umano niya ang kanyang pagiging isang aktres and she’s glad that she’s both good in both fields.
Hindi naman issue kay Lovi ang pagkakaroon niya ng LDR (long distance relationship) affair with her boyfriend na si Monty dahil regular naman umano ang kanilang communication. Whenever she has the time ay siya ang lumilipad patungong Amerika dahil may travel restrictions pa ang mga foreigner na pumasok ng Pilipinas dahil sa banta ng coronavirus.
Kahit matagal nang namayapa ang kanyang ama, ang Movie King na si Fernando Poe, Jr., she will always remember the happy memories she spent with him and the legacy na iniwan nito sa industriya.
Baby boy for Joyce and Juancho
KAPUSO actors and hosts couple Joyce Pring and Juancho Trivino are now proud parents of a bouncing baby boy they named Alonso Eliam na isinilang last Friday, July 2.
The couple got married nung February 9, 2020 sa garden ng Sofitel Philippine Plaza Hotel. It was on April 23, 2021 sa pamamagitan ng kanilang vlog nang kanilang i-announce na baby boy ang kanilang magiging unang baby.
Sina Joyce at Juancho ay naging close sa isa’t isa sa set ng daily morning show ng GMA, ang “Unang Hirit” kung saan sila segment hosts.
Parehong 28 years old ang celebrity couple.
Rhen gagawa ng international movie sa Singapore
NAKATAKDANG umalis patungong Singapore ang aktres na si Rhen Escano for a two-month shoot ng isang international movie kung saan siya lamang ang nag-iisang Filipino lead actor. Siya’y nakatakdang lumipad patungong Singapore on July 15, isang araw bago ang streaming ng “The Other Wife” on July 16 sa Vivamax kung saan isa siya sa lead actors kasama nina Lovi Poe at Joem Bascon.
Sobra namang pinanghihinayangan ni Rhen ang isang movie project na pagsasamahan sana nila ng isang top actor na nakatakdang idirek ng isang award-winning international director this month dahil lamang sa conflict ng kanilang schedules. Isang malaking karangalan para kay Rhen na siya ang ma-consider na makapareha ng isang top actor na pamamahalaan ng isang award-winning megman. Gayunman, umaasa pa rin si Rhen na makakapaghintay ang nasabing proyekto after filming ng kanyang first international movie sa Singapore. Siya’y nakatakdang lumipad patungong Singapore on July 15, isang araw bago ang streaming ng “The Other Wife” on July 16 sa Vivamax.
May tinapos din siyang love story movie with Jao Mapa, ang “Kung Hindi Man” mula sa panulat at direksiyon ni Yam Laranas. Rhen is also part na dalawa pang magkahiwalay na pelikula, ang local remake ng pelikulang “Spellbound” at “Rooftop” na dinirek din ni Yam.
Gusto rin maidirek si Rhen ng sikat na writer-director na si Darryl Yap. May gagawin din siyang thriller movie na pagtatambalan naman nila ni Diego Loyzaga na nakatakda pa ring idirek ni Yam Laranas na siya ring susulat ng script.
Joem hands on dad sa anak nila ni Meryl
BAGO mag-lock down nung isang buwan dahil sa Covid-19 coronavirus, nakagawa ng anim na pelikula ang award-winning actor na si Joem Bascon nung 2019 at ito ay ang “Culion,” “Pailalim,” “The Gift,” “Utopia,” “The Annulment” at “Write About Us”. Pero sa kabila ng pandemya ay tuluy-tuloy ang paggawa ng actor ng pelikula at teleserye at kasama na rito ang “The Other Wife” na pinagsasamahan nila nina Lovi Poe at Rhen Escano na dinirek ni Prime Cruz under Viva Films na palabas na sa Vivamax ngayong July 16.
Nung 2020 ay nakagawa siya ng tatlong serye na ang isa ay nag-extend until this year, ang hit primetime TV series na “Ang Iyo ay Akin”. Ginawa rin niya nung isang taon ang “24/7” at “Ate ng Ate Ko”. Ngayong 2021 ay may dalawa siyang TV series, ang “My Sunset Girl” at ang “The Broken Marriage Vow” na hindi pa umi-ere.
Sa simula pa lamang ng karera ni Joem ay madalas siyang nahahambing kina Piolo Pascual at Sam Milby pero kalaunan ay unti-unting na-build-up ang sarili niyang identity dahil sa husay bilang actor.
Samantala, inamin ng actor na sobra umano niyang ini-enjoy ngayon ang pagiging isang hands-on father ng first baby nila ng girlfriend niyang si Meryl Soriano. Magmula umano ang lumabas ang kanilang baby ni Meryl ay nag-iba ang kanyang pananaw sa buhay at mas lalo umano siyang naging inspirado sa kanyang trabaho.
Kahit may baby na sila ni Meryl na kanyang nakabalikan nung gawin nila ang pelikulang “Culion” in 2019, wapa pa umano sa kanilang immediate plans ang pagpapakasal.
“It will come in due time,” aniya. “Sa ngayon, naka-focus ang attention namin sa baby.”
In 2011, dalawang beses nanalong Best Supporting Actor si Joem para sa pelikulang “Noy” mula sa Gawad Urian ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino at Gawad Tanglaw. In 2008, siya ang nanalo sa Breakthrough Performance By An Actor mula sa Golden Screen Awards para sa pelikulang “Batanes: Sa Dulo ng Walang Hanggan”.
Subscribe, like, share and hit the bell icon on #TicTalkWithAsterAmoyo on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@asteramoyo.