Lovi

Lovi babalik agad ng Pilipinas pagkatapos ng kasal

August 28, 2023 Aster Amoyo 422 views

Lovi1Lovi2DUMALO ang half-sister ni Lovi Poe na si Sen. Grace Poe sa kasal nila ng kanyang husband, ang British businessman na naka-base sa Los Angeles, California na si Montgomery Blencowe na ginanap sa Cliveden House in United Kingdom nung nakaraang Sabado, August 26. Kasama sa mga dumalo sa intimate wedding ay ang mag-asawang Dra. Vicki Belo at husband nitong si Dr. Hayden Kho, Tim Yap, Lovi’s manager na si Leo Dominguez at iba pa.

Imbitado rin sina Coco Martin at KC Concepcion pero hindi sila pareho nakadalo. Busy si Coco sa taping ng “FPJ’s Batang Quiapo” kung saan niya kapareha si Lovi habang si KC ay kababalik lamang ng Pilipinas recently.

Very proud si Lovi sa kanyang husband na si Monty dahil sa pagiging supportive nito sa kanyang career dito sa Pilipinas. Naging very patient ito sa kanilang maituturing na long-distance relationship na umabot ng apat na taon bago sila tuluyang nagpakasal.

Samantala, kung nabubuhay pa ngayon ang ama ni Lovi, ang movie king na si Fernando Poe, Jr., tiyak na ito ang personal na maghahatid sa anak sa altar.

Ang British husband ni Lovi ay isang film producer sa Amerika kung saan sila unang nagkakilala.

Kahit kakakasal pa lamang, nakatakdang bumalik ng Pilipinas si Lovi over the weekend upang ipagpatuloy ang taping ng “Batang Quiapo”.

Bob Barker pumanaw sa edad 99

BobBob1Bob2SUMAKABILANG-buhay na ang popular American host na si Robert William Barker popularly known as Bob Barker sa edad na 99 nung Sabado, August 26, 2023 sa kanyang tahanan in Los Angeles, California. Hindi na siya umabot sa kanyang ika-100 taon sa darating na December 12. Siya’y isinilang nung December 12, 1923 sa Darrington, Washington.

Bob hosted the longest-running game show on television sa America, ang “The Price Is Right” na tumagal ng 35 years mula 1972 and retired from the show nung 2007. Pero bago pa man ang “The Price is Right” ay 20 taon siyang naging host ng kanyang kauna-unahang game show on TV, ang “Truth or Consequences” in 1956 hanggang 1976.

Twenty years ding naging paboritong host si Bob ng Miss USA at Miss Universe pageants simula 1967 hanggang 1987 making him the longest serving host ng mga ito.

Taong 1943 when she joined the United States Naval Reserve during the World War II to train as fighter pilot. Gayunman, hindi siya nag-serve sa combat.

He met his wife, Dorothy Jo Gideon when he was in high school who became his girlfriend when he was 15. Ito’y kanyang pinakasalan habang siya’y naka-leave sa kanyang military service nung January 12, 1945. Sumakabilang-buhay ang kanyang wife nung 1981 at age 56 sa lung cancer but he did not remarry since then at wala rin silang anak. They were together for 35 years. The late TV host had his longtime girlfriend na si Nancy Burnet na siya niyang kasama until his death.

While attending college, he took a part-time job bilang DJ sa KTTS-FM radio in Springfield. Nagtapos siya ng Economics sa Drury College, now Druy University.

From Springfield, he and his wife Dorothy moved to Lake North Beach, Florida kung saan siya naging news editor and announcer sa WWPG 1340 AM radio in Palm Beach and in 1950 ay lumipat sila ng California, USA to advance his career in broadcasting at doon nagsimula ang kanyang sariling radio show na “The Bob Barker Show” na tumagal ng anim na taon.

Naghu-host noon si Bob ng isang radio show (KNX-AM) in Los Angeles, California nang siya’y mapakinggan ng game show producer na si Ralph Edwards. Naghahanap ito noon ng makakapalit ng host ng “Truth or Consequences” na si Jack Bailey. Nagustuhan ni Edwards ang boses at style ni Bob kaya kinuha niya ito for the show na tumagal ng 20 taon. Kasunod na rito ang “The Price is Right” nung September 4, 1972. Ang naturang program ang siyang tumatak nang husto hindi lamang sa Amerika kundi maging sa iba’t ibang bansa including the Philippines.

It was on October 31, 2006 nang kanyang i-announce ang retirement sa programa nung June 2007. He taped his final show on June 6, 2007 and the show was aired twice.

Pagkatapos ng kanyang retirement, tatlong beses pa siyang bumalik sa “The Price is Right”as guest. Una nung April 16, 2009 to promote his autobiography, “Priceless Memories”. Pangalawa nung December 12, 2013 on his 90th birthday at pangatlo nung April 1, 2015.

Ang “The Price is Right” ay nakapaghatid kay Bob ng 14 awards as Outstanding Game Show Host mula sa Daytime Emmy Awards. Apat na awards din ang kanyang nasungkit from the same award-giving body as Outstanding Producer of the game show. The same award-giving boy honored him a Lifetime Achievement Award nung 1999. In 2009 ay tumanggap din siya ng parangal mula sa Slammy Award at Television Hall of Fame nung 2004 at NAB Broadcasting Hall of Fame nung 2008 and another GSW Lifetime Award at kabilang din ang kanyang pangalan sa Hollywood Walk of Fame.

Ang kanyang autobiography book na “Priceless Memories” was released April 6, 2009.

Although he was more of a host kaysa bilang actor, he has guested in the Adam Sandler comedy show na “Happy Gilmore” playing himself and several other guest appearances in movies.

He had also guested on various American talk shows tulad ng “Dinah!,” “Larry King Live,” “The Arsenio Hall Show,” “Crooke and Chase,” “Donny and Marie,” “The Rosie O’Donnell Show,” “The Ellen DeGeneres Show,” “The Wayne Brady Show,” “Late Show with David Letterman” and “The Late Show with Craig Ferguson”.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE