Micaella Larawan mula sa IG/Micaella Raz

Long legs ni Micaella, pampaalis ng lamig

March 15, 2024 People's Tonight 446 views

AYON sa netizens, baka ang Vivamax actress na si Micaella Raz ang maging dahilan sa maagang pag-alis ng lamig ng hanging Amihan dahil sa pamatay na bikini photos nito.

Summer na summer na para sa sexy star ang ginawa niyang pagbabandera ng kaseksihan sa isang Instagram post nitong Huwebes, Marso 14.

Patay man ang kulay dahil sa black and white filter, buhay na buhay naman ang sexual fantasy ng kanyang mga kelot na tagahanga. Pampainit ng laman para sa kanilang nilalamig na pantasya ang ganda at perpektong pigura ng hot actress.

Winner talaga sa suot niyang itim na two-piece swimsuit si Micaella. Angat na angat ang taglay niyang mahaba at makinis na legs. Bida rin ang cleavage ng Vivamax actress sa nasabing mga larawan.

Dinumog ang hotness ni Micaella sa comment section. Binato ng puso at fire emojis ang kanyang post. Ayon sa ilang komento: “Ang init,” “Ganda mo talaga crush,” “Summer na summer,” “GRABE NA,” “Baka dahil sayo @micaellaraz mapaaga ang pagtatapos ng amihan mapapaaga ang summer,” at “My dream girl.”

AUTHOR PROFILE