
Lolo siningya baka, patay
ISANG baka ang nakapatay ng kanyang 81-anyos na amo matapos itong suwagin sa Bangued, Abra.
Hindi na umabot ng buhay ang biktimang si Julio Vilguera, ng Barangay Sao-atan, Bangued, Abra.
Ayon sa asawa ng biktima na siya ring saksi, bigla na lang sinuwag ng baka ang biktima habang hinihila-hila ito ng kanyang mister sa tapat ng kanilang bahay.
Matapos suwagin, tinapakan pa ng baka ang ulo ng biktima dahilan.
Anim na taon na raw nilang alaga ang nasabing baka, ayon sa saksi.