
Lolo nakakulong na, tiklo pa sa tangkang pagpatay
NAKAKULONG na dahil sa light threats sa Caloocan City, lalo pang nadiin ang 67-anyos na lolo matapos makalkal na may kaso siyang tangkang pagpatay 9 na taon na ang nakakaraan noong Miyerkules.
Nakalkal ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) si alyas Lolo Jose kaya sa loob na ng selda inihain ang kayang warrant of arrest para sa kasong attempted murder in relation to RA 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act).
Sa ulat kay Northern Police District (NPD) director P/BGen. Josefino Ligan, natuklasan na mayroon pang nakabimbing warrant of arrest si Lolo Jose kaugnay sa kasong tangkang pagpatay sa menor-de-edad na biktima.
Inilabas ang warrant of arrest laban sa akusado ni Caloocan Regional Trial Court (RTC)) Presiding Judge Raymond Vallega ng Branch 130.
May nakalaang piyansang P120,000 para sa pansamantalang paglaya ng akusado.