Kulong

Lolo himas-rehas dahil sa child abuse

November 15, 2023 Jonjon Reyes 190 views

HINDI na nagawang makapanlaban pa ang isang lolo nang arestuhin ito ng mga operatiba ng Manila Police District– Sampaloc,Manila sa Riverbank Mall, Marikina City,dahil sa kasong paglabag sa Republic Act 7610, 9:30 p.m. ng Martes ng gabi.

Ang suspek ay kabilang sa talaan ng top 7 na most wanted person sa nasabing lungsod.

Iniutos ng korte na maglagak ng P200,000 na piyansa ang suspek para sa kanyang pansamantalang kalayaan

Nagpasalamat at pinuri ni MPD- Director Arnold Thomas Ibay si Police Lieutenant Colonel Salvador Tangdol, station commander, at ang mga tauhan nito sa pagsugpo sa mga wanted sa batas .

AUTHOR PROFILE