Kulong

Lolo, 70, timbog sa 4 na kaso ng rape

October 21, 2023 Steve A. Gosuico 224 views

GENERAL TINIO, Nueva Ecija–Arestado ang isang 70-anyos na lalaki dahil sa apat na kaso ng statutory rape sa lugar na ito noong Biyernes.

Sinabi ni Major Leonel Lozada, hepe ng pulisya, na nahuli ang suspek sa Bgy. Rio Chico bandang 3:50 ng hapon.

Hindi na nanlaban ang suspek nang siya’y arestuhin, ayon sa mga pulis.

Inaresto ang lalaki dahil sa paglabag sa Republic Act 11648 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Walang piyansang inirekomenda para sa pansamantalang paglaya ng suspek mula sa pagkakakulong.

AUTHOR PROFILE