Lolit

Lolit, ikinagulat ang biglaang pagsugod ng nanay ni Andrea

December 22, 2023 Vinia Vivar 121 views

Ikinagulat ni Lolit Solis na personal na pumunta ang nanay ni Andrea Brillantes sa kanyang bahay para magdala ng regalo.

Aniya sa Instagram, “Naloka ako ng magising ako at sabihin ni Mel na pumunta ang mother ni Andrea Brillantes sa bahay para maghatid ng regalo.”

Never pa umano silang nag-meet ni Andrea kaya sobrang na-touch ang talent manager/entertainment columnist na nagpunta pa ang nanay ng aktres sa kanyang malayong bahay.

“Never pa kami nag meet ni Andrea Brillantes o nag usap sa phone. Kaya naman nagulat ako na nakapunta sa bahay ko napakalayo ng mother niya. Sobra appreciation ko na nagawa nila ito,” aniya.

Noon pa ay puring-puri naman talaga ni ‘Nay Lolit si Blythe sa kanyang mga post.

“Sinabi ko na hanga ako sa ugali ni Andrea na very transparent, at parang no care sa mga gusto niyang gawin. Kasi nga mas gusto ko ang mga tao na unconventional, hindi iyon sumusunod lang sa rules ng society dahil nag iingat sa image nila,” aniya.

“At kahit ano pa sabihin I stand with my gut feel na Andrea Brillantes will be one of our hottest stars basta lagi siyang professional at mahusay makisama. Hindi siya maapektuhan ng mga tsismis at intriga dahil very open siya sa kanyang ginagawa. So be it, hintayin lang natin at makikita natin na tama ang prediction ko,” sey pa ni ‘Nay Lolit.

AUTHOR PROFILE

Showbiz

SHOW ALL

Calendar