
Loisa super sweet sa b-day ni Ronnie
PINAKILIG nga ng aktres na si Loisa Andalio ang mga netizens matapos niyang mag-alay ng mensahe para sa ika-27 kaarawan ng kanyang boyfriend at aktor na si Ronnie Alonte.
Sa kanyang Instagram page nitong Biyernes, Oktubre 27, ibinahagi ni Loisa ang isang blurry at candid na larawan ng kanyang nobyo na makikitang todo ngiti habang nakatayo sa harapan ng camera.
Nagsulat naman ng matamis na mensahe ang aktres sa caption ng nasabing post at sinabing gagawa pa silang dalawa ng mga alaala na magkasama.
“Happy birthday! Here’s to another year of adventures and making beautiful memories together,” sey ni Loisa.
“I love you more than words can express,” wika pa ng aktres.
Nagbigay reaksyon naman si Ronnie sa comment section sa pagbati ng nobya sa kanya.
“Thankyou beh,” pahayag ng model-actor.
Tila nilanggam naman ang mga netizens sa sweet message ni Loisa.
“Tamis niyo naman dalawa… God bless you both.”
“Best girlfriend ever.”
“Nakakakilig yun birthday message mo Ate Loisa, more power to you both po.”
“Heartwarming message. We love you both #LoiNie.”