Nora

Local entertainment loses three queens

April 20, 2025 Aster Amoyo 322 views

Pilita1Nora1Nora2Nora3THE country lost three queens in a span of barely three months – Movie Queen Gloria Romero, Asia’s Queen of Songs Pilita Corrales and the only superstar and National Artist for Film and Broadcast Arts Nora Aunor.

Si Gloria ay sumakabilang-buhay nung January 25, 2025 sa edad na 91. Samantala, apat na araw lamang ang pagitan ng (dating) magbalaeng Pilita at Guy (Nora), April 12 and April 16, 2025.

Sina Pilita at Guy ay paternal and maternal grandmothers ng singer, host at award-winning actress na si Janine Gutierrez. Janine’s paternal father is singer-actor Ramon `Monching’ Christopher Gutierrez habang ang kanyang ina ay ang eldest (adopted) daughter ni Guy (sa kanyang ex-husband, ang award-winning actor na si Christopher de Leon) ang award-winning actress at entrepreneur na si Lotlot de Leon.

Although matagal nang hiwalay ang dating mag-asawang Monching at Lotlot (who married her Lebanese businessman husband na si Fadi El Soury in December 2018), nanatiling magkaibigan ang dating mag-asawa dahil sa kanilang four grown up children na sina Janine, Jessica, Maxine at Diego.

During the wake of Pilita, Lotlot and her present husband Fadi were there para magbigay suporta kay Monching, his elder sister Jackie Lou Blanco, sa mga apo ni Pilita which include Monching and Lotlot’s children at iba pang mga kaanak.

But on the 4th day of Pilita’s death and final wake ay sumakabilang-buhay naman ang nag-iisang superstar at National Artist for Film and Broadcast Arts na si Nora Aunor (Nora Cabaltera Villamayor in real life) nung gabi ng April 16, 2025 due to acute respiratory failure sa edad na 71. She would have been 72 sa kanyang nalalapit na kaarawan on May 21, 2025.

Kahit pagod at puyat sa pagpanaw at ilang araw na wake ng kanilang mahal na inang si Pilita, nagpakita rin ng suporta at huling respeto ang magkapatid na Jackie Lou Blanco at Monching at ang kanilang mga anak kay Guy. Naroon din ang panganay na apo ni Guy kina Lotlot at Monching na si Janine at mga nakababatang kapatid nito maging ang nobyo ng singer-actress na si Jericho Rosales na nagpakita rin ng suporta, pagmamahal at respeto sa dalawang lola ng kanyang nobya.

Sina Pilita at Guy ay dalawang mga tiningalang personalidad sa Pilipinas maging sa ibang bansa dahil sa kanilang body of work at naging malaking kontribusyon sa industriya ng sining nung sila’y nabubuhay pa maging ang movie queen na si Gloria Romero who passed on at age 91.

Tatlong lalake sa buhay ni Nora nagbigay-pugay

Nora5Nora6SAMANTALA, nagbigay-pugay ang tatlong lalake na naging bahagi ng buhay ng superstar na si Nora Aunor when she was at the peak of her career, ang kanyang perennial screen partner at first boyfriend, ang singer-actor na si Tirso Cruz III, ang kanyang ex-husband, ang award-winning actor na si Christopher de Leon (na siyang ama ng kanilang biological son na si Ian de Leon) maging ang dati rin niyang partner, ang veteran singer at actor na si Richard Merck.

And Nora being a National Artist for Film and Broadcast Arts, she was accorded with a state funeral at nakatakdang ilibing sa Libingan ng mga Bayani sa Fort Bonifacio.

Achievements nina Gloria, Pilita at Nora mahirap abutin

Nora4GloriaSA magkakahiwalay na personal achievements ng tatlong reyna–Gloria Romero, Pilita Corrales at Nora Aunor– napakahirap mapantayan ninuman ang kanilang naabot laluna ang kanilang naging malaking kontribusyon sa larangan ng sining. Sa kabila ng kanilang paglisan, ang kanilang magagandang alaala at inspirasyon ay mananatiling buhay sa puso’t isipan hindi lamang sa kanilang respective families and friends kundi maging sa kanilang mga fans. Ang kanilang mga kontribusyon ay magiging bahagi ng kasaysayan sa larangan ng entertainment at Philippine cinema.

Kina Gloria, Pilita at Nora, ang aming pagsaludo, paghanga at pagmamahal sa inyong iniwang magagandang alaala.

Meryll at Joem pwede nang magpakasal

ANNULED na ang kasal ng aktres na si Meryll Soriano (42) sa kanyang ex-husband, ang actor na si Bernard Palanca. Ang dating mag-asawa ay merong teen-age son na si Elijah (18), panganay na apo ng game show host-producer at senatoriable na si Willie Revillame.

Meryll is now in a romantic relationship with another actor na si Joem Basco (38) at meron na rin silang anak si Gido (5).

Kung nanaisin nina Meryll at Joem na magpakasal ay walang magiging problema dahil natagal nang napawalang-bisa ang kasal ni Meryll sa kanyang ex-husband na si Bernard na may isa na ring anak sa ex-girlfriend nitong si Jerika Ejercito na si Isaiah (11).

Si Jerika ay nakatatandang kapatid ng actor na si Jake Ejercito at mga anak ni dating Pangulong Joseph `Erap’ Estrada sa dating aktres na si Laarni Enriquez.

Watch my exclusive (old) interview with Asia’s Queen of Songs and music icon Pilita Corrales on “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE