Default Thumbnail

LMP-NE tutol sa pagbabalik ng e-sabong

June 6, 2024 Steve A. Gosuico 223 views

SAN ANTONIO, Nueva Ecija–Tutol ang League of Municipalities of the Philippines-Nueva Ecija (LMP-NE) chapter sa pagbabalik ng online sabong o e-sabong.

Sa pangunguna ng pangulo na si San Antonio Mayor Arvin Salonga, inaprubahan ng grupo ang resolusyon na umaapela kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tutulan ang muling pagbabalik ng e-sabong sa bansa.

Inaprubahan ang resolusyon ng LMP-NE para sa apela sa Pangulo sa ikalawang regular na sesyon ng grupo na ginanap sa Nampicuan municipal hall noong Mayo.

Sinabi ni Salonga na binuo ang resolusyon ng malaman na ang kumita ng limpak-limpak sa e-sabong ang siya ring nangunguna para maibalik ito.

“Bilang mga lokal na punong ehekutibo ng ating mga lungsod at munisipalidad, tumatayo tayo bilang unang linya ng depensa laban sa kasamaan o maling gawain tulad ng pakagumon sa sugal,” sabi ng resolusyon ng LMP-NE.

Sinabi ni Salonga na ipapadala ang kopya ng resolusyon kay Pangulong Marcos Jr. at kay Nueva Ecija Gov. Aurelio Umali.

AUTHOR PROFILE