JLC

Lloydie panalo ang pakilig na mensahe sa GF

June 25, 2024 Vinia Vivar 83 views

Panalo sa kilig ang mensahe ni John Lloyd Cruz para sa girlfriend na si Isabel Santos.

Actually, si Isabel ang nag-post ng birthday message kay Lloydie bilang kaarawan ng aktor nitong Monday, June 24.

Maikli lang ang birthday greetings ni Isabel sa BF, pero nakakakilig na rin. Aniya, “mahal kita beh.”

Pero napakabongga naman ng sagot ni Lloydie sa girlfriend.

“And thank you beh for coming into my life. Your love makes life a little less ordinary and carries me to a place where silence allows me to transform the greatness of astonishing pain and intolerable loss into an opportunity to be the person i want my son to see. Thank you for being there beh. Thank you for your love. Please don’t ever stop cooking for me. It’s the only way i truly feel special. @isabelreyesantos,” ang sweet message ng aktor kay Isabel.

Maging ang dalaga ay na-touch sa message ng nobyo at sagot niya rito, “@_idancruz grabe namannn parang birthday ko.”

In fairness, medyo matagal-tagal na rin ang relasyon nina JLC at Isabel.

Matatandaang nagsimula silang ma-link in 2021 pero nitong nakaraang October, 2023 lang ito kinumpirma ng aktor.

Pag-amin niya sa naturang interview, “Si Isabel ay girlfriend ko, oo… Boyfriend niya ako.”

AUTHOR PROFILE