
Lingkod Lapid team nagsagawa ng relief mission sa CamSur
NAGSAGAWA ng relief mission ang Lingkod Lapid team sa bayan ng Minalabac, Camarines Sur nitong Linggo, Sept. 8.
Sa pamamagitan ng tanggapan ni Senador Lito Lapid, nakipag-ugnayan sila sa DSWD para mabigyan ng family food packs ang nasa 1,000 biktima ng pagbaha dulot ng bagyong Enteng sa Kabikulan.
Sa maiksing mensahe ni Lapid, inaasahan ng Senador na malaki ang maitutulong ng food packs para maitawid ang kanilang pangangailangan sa gitna ng kalamidad.
Nagpasalamat naman ang mga benepisyaryo kay Sen Lapid sa mabilis na aksyon at paghahatid ng tulong para sa kanila.
Kabilang sa mga benepisyaryo ay pawang senior citizens, pwds, single parents, mangingisda at magsasaka sa nasabing bayan.
Sinabi ni Mayor Christopher Lizardo na si Lapid ang kauna-unahang Senador na rumesponde at kagyat na sumaklolo sa mga kababayan nyang nabiktima ng pagbaha kamakailan.
Ayon naman kay Vice-Mayor Noe Lavandero, magpapasa ang Konseho ng Minalabac ng isang resolusyon para kilalanin ang naging malaking ambag ni Lapid sa pagtugon sa pangangailangan ng mga residente nito.