SB19

Lider ng SB19 may panawagan sa kanilang fans

June 10, 2024 Vinia Vivar 401 views

Naglabas ng statement si Pablo ng SB19 para pagsabihan ang fans na A’TIN na huwag makipag-away at magpakalat ng hate sa kapwa-Pinoy.

Si Pablo ang leader, vocalist, main rapper, chief songwriter, creative director at arranger ng Pinoy pop group na SB19. Siya rin ang CEO ng 1Z Entertainment, ang kumpanyang itinayo at nagma-manage sa grupo.

Sa kanyang X (dating Twitter) nagbigay ng mensahe si Pablo sa kanilang fans. Obviously, ito ay kaugnay ng awayang nangyayari ngayon sa online sa pagitan ng SB19 fans at ng mga supporter ng local volleyball matapos sabihin ng Alas Pilipinas player at volleyball star na si Sisi Rondina na hindi siya pamilyar sa grupo sa isang Independence Day program sa South Korea noong Linggo.

“Our goal as a team since we started hasn’t changed: I-angat ang kulturang Pinoy sa global stage. Simulat sapul, we worked really hard towards that one goal regardless of the challenges, and we know na hindi kame nag-iisa sa goal na to dahil marami pang ibang Pinoy ang nagsusumikap at nagsasakripisyo para sa layon na to,” simula ni Pablo.

Kasunod nito ay nagpasalamat siya sa A’TIN fandom.

“To A’tin, salamat sa lahat ng suporta at pag mamahal na binibigay nyo samin. Wala kami, kung wala kayo. Sana lagi nyo tatandaan kung bakit “ATIN” ang pangalan ng fandom natin. We share our Victories! Sa ATIN lahat to!” aniya.

Pagkatapos nito ay sinabihan na ni Pablo ang fans na bigyan ng respeto at huwag magalit sa mga taong hindi nakakakilala sa SB19.

“Respect and acknowledge na hindi lahat ng tao, aware or kilala ang grupo namin. Hindi rin sa lahat ng oras, everyone will hold a favorable opinion of us. THAT’S FINE! There’s no reason to spread hate, disrespect or drag down our fellow Filipinos,” aniya.

Nagbigay din siya ng mensahe sa fans na huwag silang ikumpara sa iba.

“Lahat tayo may effort na i-angat ang Pinoy. Hindi kailangan ikumpara kung sino mas magaling o mas maraming nagawa. Lahat may pinaghirapan, lahat may nilalaban. Dapat hilahan pataas, kasi iisa lang rin naman ang goal natin,” saad ni Pablo.

“At the end of the day, we’re proud of, and respect, every Filipino who’s made strides to uplift the country whether sa music, sa sports, and sa iba pang larangan. Mabuhay ang Kulturang Pinoy!

Happy Independence day!” pagtatapos ng bokalista ng SB19.

AUTHOR PROFILE