Viva

Libreng ‘Kuman Thong’ tickets sa Wing Zone at Botejyu

June 27, 2024 Ian F. Fariñas 666 views

Ang desperasyon ng isang ina na muling makasama ang namatay na anak ay magdadala ng mga kababalaghan sa Kuman Thong, ang bagong pelikula mula sa Viva Films at Studio Viva, sa panulat at direksyon ni Xian Lim.

Tampok sa horror film na may direct translation na “golden young boy” ang ensemble ng Filipino at Thai actors: Cindy Miranda, Max Nattapol Diloknawarit, Jariya Therakaosal, Emman Esquivel at ang star ng Netflix hit movies na Doll House at Instant Daddy na si Althea Ruedas.

Palabas na sa mga sinehan simula July 3, ito ay hango sa Thai occult tradition kung saan ang isang piguring may espiritu ng bata ay maaaring magdala ng swerte kapag binigyan ng tamang paggalang… at kapahamakan kung hindi ito maaalagaan.

Kaugnay nito, maaaring makakuha ng libreng cinema tickets mula sa participating branches ng Wing Zone at Botejyu hanggang July 9.

Sa minimum purchase na P900 sa Wing Zone, meron nang isang libreng movie voucher na pwedeng ipalit ng Kuman Thong ticket sa SM Cinemas mula July 3-9. Dalawang vouchers naman ang makukuha sa bawat P2,000 purchase sa participating Botejyu branches.

Ang Wing Zone at Botejyu Kuman Thong promo ay valid para sa dine in at take out transactions.

Ang kwento nito ay tungkol kay Clara (Cindy), na pupunta sa Thailand kasama ang anak na si Katie (Althea) para humingi ng basbas kay Namfon (Jariya), ina ng mapapangasawang si Sai Chon (Max).

Hindi masaya si Namfon na lilipat na ang nag-iisang anak na lalaki sa Pilipinas. Naniniwala siyang hindi pa handa ang dalawa, lalo at nagluluksa pa si Clara sa pagkamatay ng anak na si Isaac (Emman).

Lagi pang dala ni Clara ang urn na naglalaman ng mga abo ni Isaac.

Sa kanyang pagbisita sa Thailand, makikilala ni Clara ang isang shaman na may isasagawang ritwal gamit ang abo ni Isaac. Bibigyan din siya nito ng isang Kuman Thong. Ayon sa shaman, kung aalagaan niya ang Kuman Thong, maaaring magbalik si Isaac.

Sa kabila ng pagtutol ni Namfon, itatago pa rin ni Clara ang Kuman Thong sa pag-asang muling makapiling ang anak.

Pagkatapos magsimulang mag-alay ni Clara sa Kuman Thong, mababalot ang kanilang dati’y tahimik na tahanan ng mga kakaibang pangyayari. Nag-uumpisa na ring magbago ang kilos ni Clara at mararamdaman na rin niya ang presensya ni Isaac. Kahit nalalagay na sa panganib ang kanilang pamilya, masaya pa rin sina Clara at Katie sa “pagbabalik” ni Isaac.

Lalong mag-iiba ang kanilang buhay dahil tila hindi lamang ang espiritu ni Isaac ang nagbabanta sa kanilang pamilya, na hahantong sa pagkabunyag ng mga malagim na sikreto na babago sa kanilang buhay.

Ito ang unang full-length horror film ni Xian bilang direktor. Ang kanyang directorial debut ay ang thriller na Tabon na naging bahagi ng Cinemalaya Film Festival nu’ng 2019. Noong January 2023 naman napanood sa mga sinehan ang kanyang comedy movie na Hello, Universe! starring Janno Gibbs at Benjie Paras.

Ibinahagi naman ng Thai actor na si Max ang galak na makatrabaho ang beauty queen-turned-actress na si Cindy para sa unang Filipino movie project.

Kilala si Max sa Thai projects na Manner of Death at Bangkok Love Stories: Innocence. Saksihan ang kapangyarihan ng Kuman Thong sa mga sinehan sa July 3.

AUTHOR PROFILE