AKAP AKAP SA TACLOBAN – Ang opisina ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ay nakipagtulungan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), na kinatawan ni Social Welfare Officer II Rammilyn Majarilla, at kay Speaker’s Office District Coordinator Cyril Malinao sa pamamahagi ng Ayuda sa Kapos ang Kita (AKAP) Program sa 938 benepisyaryo sa multipurpose hall ng Brgy. 96 Calanipawan, Tacloban City, Leyte. Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., patuloy sa paghahatid ng serbisyo publiko si Speaker Romualdez, tulad ng AKAP na layong protektahan ang mga minimum wage earners mula sa epekto ng inflation. Nakatanggap ng P6,000 ang bawat benepisyaryo. Kuha ni VER NOVENO

LEYTE AID CARAVAN TULOY: P64M NAIPAMIGAY

July 15, 2024 People's Tonight 252 views

AKAP1NAGPAPATULOY ang aid caravan sa Leyte na inisyatiba ng tanggapan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, at nakapagbigay na ito ng kabuuang P64.84 milyon sa mga kuwalipikadong benepisyaryo.

Ngayong Lunes, namigay ng tig-P6,000 cash assistance o kabuuang P5.628 milyon sa may 938 benepisyaryo sa ilalim ng Ayuda sa Kapos ang Kita (AKAP) Program. Ginanap ang payout sa Barangay 96, Calanipawan sa Tacloban City.

Ito ay sinabayan ng payout para sa may 2,000 kuwalipikadong residente na nakatanggap ng tig-P4,050 o kabuuang P8.1 milyon para sa 10 araw na trabaho sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Program ng Department of Labor and Employment (DOLE).

“As President Ferdinand R. Marcos, Jr. said, no one should be left behind in our ‘Bagong Pilipinas.’ In line with this principle, we have launched this aid caravan to deliver available assistance to disadvantaged residents of the province,” ani Speaker Romualdez.

“We are aware that many of them don’t have the means to travel to the concerned government agencies in urban centers so we adopted the principle of Bagong Pilipinas Serbisyo Fair, which brings government services to the doorsteps of our people,” dagdag pa nito.

Ang pamimigay ng AKAP ay pinangunahan ng District Office Coordinator ni Romualdez na si Cyril Malinao, katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na kinatawan naman ni Social Welfare Officer II Rammilyn Majarilla.

Samantala, si Speaker Romualdez ay kinatawan naman ng kanyang District Chief of Staff na si Atty. Mark Reyes, sa tulong ni DOLE North Leyte Field Office head Engr. Emmanuel Dela Cruz.

Sila ay tinulungan nina Alangalang Mayor Lovell Ann Yu-Castro, Vice Mayor Mario Bague at mga konsehal ng bayan.

“Nagpapasalamat po tayo sa mga ahensya tulad ng Deparment of Social Welfare and Development at DOLE sa kanilang tulong sa Office of the Speaker para patuloy nating mabigyan ng karampatang tulong ang mga nangangailangan ng ayuda,” sabi ni Atty. Reyes.

Ang Leyte aid caravan ay binubuo ng pamamahagi ng ayuda sa ilalim ng Cash Assistance and Rice Distribution (CARD), TUPAD at AKAP programs na nagsimula noong Hulyo 9 sa People’s Center sa Tacloban City at bayan ng Babatngon. Sinundan ito ng CARD payout sa bayan ng Tanauan ng sumunod na araw.

Noong Miyerkoles, namigay ng ayuda ang aid caravan sa mga residente ng Brgy. 94 Tigbao, Tacloban, at sa bayan ng Tolosa.

Natapos nang unang linggo ng caravan ang pamimigay ng ayuda sa Brgy. 96, Calanipawan, Tacloban City, at bayan ng Sta. Fe.

Ang aid caravan ay magpapatuloy hanggang Hulyo 19.

AUTHOR PROFILE