
Leni ‘laban’ sign ‘malas’
Buhat nang mauso mga Pinoy naghirap, minalas
MAY dalang kamalasan at kabiguan ang “Laban” sign ng kampon ng dilawan.
Ito ang pinag-uusapan ngayon sa social media dahil simula nang ipauso ng panatiko ng mga Aquino ang simbolo, nagdala na ito ng kamalasan sa buhay ng mamamayang Pilipino.
Isang halimbawa anila ay lalong naghirap ang mga Pinoy matapos ang Edsa People Power 1.
“Puro sila pintas, puro sila bintang ng korapsyon at human rights violation pero ang pasimuno mismo nito ay mga dilawan,” ani Cory Enriquez, isang FB user mula sa Galas, Quezon City.
Sinabi sa FB account ni Yvonne Alquiroz na kasama siya sa nagpunta sa Edsa noong February 1986, ngunit tulad ng maraming Pilipino, isa na siya ngayon sa nagsisi dahil mula’t-mula ay walang nagawang buti ang mga Aquino at mga dilawan.
“Hindi ba sila-sila lang ang yumaman? Tumigil sila sa human rights na pinagsasabi nila. Bakit hindi nila banggitin ang Mendiola massacre? Naibigay ba ang lupa para sa mga magsasaka ng Hacienda Luisita? Isa lang ang pinasikat ng mga Aquino na nagmarka sa taumbayan, iyon ay walang iba kundi ang kalandian at lovelife ni Kris Aquino,” sabi pa nito.
Sumagot naman si Glenda Ganda na mula sa Nueva Ecija. “Meron pa, Ninoy Aquino International Airport na nauso ang Laglag Bala. L pa rin iyon, mga Lekat.”
Para kay Vince Tomeldan ng Meycauayan, Bulacan, mismong mga kampon ng dilawan ang nagbabago ng kasaysayan dahil sa pag-iba pa lamang ng kanilang kulay patungong pink ay halata nang maging sila ay pinandidirihan ang kulay at simbolo na pinauso ng mga Aquino.
“Bakit ba talaga naging pink? Bakit hindi dilaw? Hindi ba sila mismo ang nagbabago ng history? Mga ipokrito,” sabi ni Bella Maderazo ng Bacood, Sta. Mesa, Manila.
Unang gumamit ng Laban sign si Cory Aquino, sumunod si Noynoy Aquino at ngayo’y gamit uli ni Leni Robredo.
Isang professor ng sociology ang nagsabing ang Laban sign ng dilawan na ginagamit uli ngayon ni Robredo ay hindi kailanman magdudulot ng buti para sa Pilipinas.
“Pansinin n’yo, umunlad ba ang Pilipinas? Hindi ba lalo tayong naghirap after Edsa 1? Anong significant project ang naitala sa kasaysayan ng bansa simula nang maluklok sa Malakanyang ang mga dilawan? Hindi ba wala?” sabi pa ng professor na nakiusap huwag magpabanggit ng pangalan upang makaiwas sa pamba-bash na abutin ng mga kasamahan sa akademya.
Para sa kanya, ang letrang L sa Laban sign ay sumisimbolo ng kabiguan, kamalasan at talunan.
Pabirong sinabi pa nito na sa mga banyaga, ang L sign aniya ay isang salita para sa mga “Losers,” samantalang sa mga manunugal, ito’y “Lasma” na hango sa binaligtad na salitang malas at sa mga followers naman ni Vice Ganda ang letrang L ay maaaring lapatan ng salitang “Ligwak” (ganern!).