Aila Larawan mula sa IG/@ailacruzofficial

Legs ni Aila Cruz nakakasilaw

January 4, 2024 People's Tonight 801 views

PALABAN ang inilabas na promotional picture ng Vivamax actress na si Aila Cruz.

Sa Instagram page ng sexy star, ibinahagi niya ang isang larawan para ipakilala ang kanyang karakter para sa pinaka bago niyang proyekto.

Tampok si Aila sa isang Vivamax original film na pinamagatang Bedspacer sa direksyon ni Carlo Obispo. Makakasama niya sa nasabing proyekto sina Micaella Raz, Christine Bermas at Aria Bench.

Ibinandera ng todo-awrang si Aila ang kanyang nakakasilaw na legs sa isang fierce na larawan kung saan makikita siyang nakasalampak sa sahig habang nakadantay ang kamay sa sofa.

“Hi, meet Sashaaaaa,” sey ng Vivamax actress sa caption ng kanyang post.

Pinusuan at nagbigay ng reaksyon ang mga netizens sa nasabing sexy photo ni Aila.

“Yass,” komento ng kanyang co-star na si Aria Bench.

“If my future wife looks like this. I would definitely hug and kiss her so badly.”

“Boooogsh!!!”

“So gorgeous.”

Nakilala si Aila sa kanyang pagganap sa mga proyekto kabilang na ang Torn Heaven (2023), Sip (2023) at Working Boys 2: Choose Your Papa (2023).

AUTHOR PROFILE