Astri Larawan mula sa IG/Astri Lee

LEEnamnam

April 23, 2025 People's Tonight 45 views

BISYO na ng mga kelot niyang followers ang pusuan ang mga larawan ng Vivamax star na si Astri Lee sa tuwing nagpapatikim ito ng kaadik-adik niyang seksing wangkata.

Sa Instagram nga ay muling nambulabog ang sexy star sa pamamagitan ng post niyang lakas makapukaw ng atensyon ng mga barako.

Masusulyapan sa larawan ang todo-awrang si Astri, kabogera sa kanyang high angle pose.

May pang-aakit na dala-dala ang mga titig ng bebot, sure na hatak na hatak na naman ang mga kalahi ni Adan.

Pokus na pokus ang kanyang male fans sa perpektong kurba ng bebot na nasilayan sa larawan habang suot niya ang orange two-piece string bikini.

Hulog na hulog din ang kanyang mga tagahanga sa ganda na ipinakita ni Astri. Fresh at glowing ang face ng aktres habang ang katawan nito ay nagwawala sa umaapaw niyang hotness.

Nagwala ang netizens sa comment section ng kanyang post. Pinapurihan nila ang sex appeal ng itinuturing nilang pantasya.

AUTHOR PROFILE