Pokwang

Lee nag-iimpake na, ayon kay Pokwang

February 10, 2024 Aster Amoyo 156 views

KUWENTO ni Pokwang, nasa process na raw nang pag-impake ng kanyang mga gamit ang ex-partner niyang si Lee O’Brian.

Kung matatandaan ay nag-file ng kaso si Pokwang laban kay Lee sa immigration authority dahil wala pala itong working visa. Kaya made-deport ito pabalik ng Amerika.

“Ang alam ko, nagliligpit-ligpit na! Para sa kanya, para sa akin din ito. Para sa kapayapaan naming pareho,” sey ng TiktoClock host.

Ayon sa mga documents: “Lee has been working in the Philippines without a permit. Among Pokwang’s complaints against him are financial abuse, intimidation, and abandonment of their daughter Malia.”

Naghiwalay sila Pokwang at Lee noong 2021.

Anak nina Jennylyn at Dennis kinatuwaan ng netizens

MARAMI ang natuwang netizens nang nagkaroon ng special appearance ang 1-year old daughter nila Jennylyn Mercado at Dennis Trillo na si Dylan Jade sa livestream ng Love. Die. Repeat. noong Monday, February 5, via Kapuso Stream.

Tila nag-marites si Dylan sa ginagawa ng kanyang Mommy Jen sa livestream kunsaan naroom din ang co-stars ng mommy niya na sina Mike Tan, Ina Feleo, and Valerie Concepcion.

Marami ang na-cute-an kay Dylan at ikinatuwa naman ni Jen ang mga magagandang comments sa anak nila ni Dennis.

Bata pa lang ay artistahin na raw si Dylan at mukhang interesado na raw sa trabaho ng kanyang Mommy Jen kaya sumingit ito sa livestream.

Royce hindi makalimutan ang karanasan bilang extra

IKINUWENTO ng ‘Makiling’ actor na si Royce Cabrera ang kanyang simula sa pagiging extra sa showbiz.

Ayon kay Royce, ang maghintay siya ng buong araw sa labas ng isang convenience store sa tabi ng GMA Network para sumalang bilang talent ang hindi niya nakakalimutan dahil hindi pala siya kasama sa listahan ng extra.

“Halos isang buong araw sa may 7-Eleven po dito sa baba. Kasi nag-ano po ako nun talent-talent po ako nun. So, parang hintay lang akong service. Hanggang sa parang hindi na pala ako naisama sa lineup.

“Tapos naghintay lang ako dun kasi, syempre, gusto ko mag-artista. Kahit daan lang sa likod, okay lang ‘yan. D’yan nagsisimula ‘yan. So, hintay po ako buong araw. Ta’s ‘di pala ako kasama po sa listahan.”

Isa sa tumatak na proyekto ni Royce ay ang independent film na Fuccbois (2019), kung saan nakasama niya ang kanyang kaibigan at kapwa aktor na si Kokoy De Santos.

Kamakailan, nakatanggap si Royce ng award bilang Best Performance in a Lead Role (Male or Female-Single Performance) mula sa 7th GEMS Awards dahil sa kanyang mahusay na pagganap bilang isang drag queen sa episode ng Magpakailanman o #MPK na pinamagatang “Born to be a Queen: The Edwin Luis Story.”

Naging sulit naman daw ang pagiging extra ng aktor dahil dumating din ang magandang opportunity na makontrata siya sa Sparkle GMA Artist Center at lumabas na siya sa malalaking teleserye ng GMA tulad ng Nagbabagang Luha, Start-Up PH at Makiling.

AUTHOR PROFILE