
Lea magkakaroon na rin ng wax figure sa Madame Tussauds
MAGKAKAROON na rin ng wax figure ang isa pang Filipino sa dinarayong Madame Tussauds sa Resorts World Sentosa Singapore–ang ating Broadway star na si Lea Salonga.
Isa na naman itong milestone para sa Philippine entertainment. Susundan ni Lea ang dalawang beauty queens na sina Pia Wurtzbach and Catriona Gray, ang world boxing champ na si Manny Pacquiao at ang aktres na si Anne Curtis.
“When my manager said this is happening, that Madame Tussauds is interested in making a wax figure of me, it was an absolute honour and privilege to be asked. It’s fantastic!,” ani Lea para sa sitting session kasama ang ang team of expert sculptor at artists ng Madame Tussauds Singapore.
Deserved na deserved naman ni Leah ang karangalang ito. Bilang stage performer, si Lea ang unang Kim sa Miss Saigon, at kauna-unahang Asian na gumanap bilang Eponine sa Les Miserables sa Broadway. At siya rin ang original na Disney Princess matapos na gamitin ang kanyang boses bilang si Mulan at Princess Jasmine sa ‘Aladdin.’
Limang awards din ang kanyang napanalunan—ang Laurence Olivier Award for Best Actress in a Musical, ang Drama Desk Award, ang Outer Critics Circle Award, ang Theatre World Award, at ang Tony Award for Best Actress in a Musical.
“We are truly excited and honoured to have Lea’s wax figure,” sabi ni Elaine Quek, Head of Sales and Marketing sa Madame Tussauds Singapore.
Ang Madame Tussauds Singapore ay nagbukas noong 2014. Nagtatampok ito ng wax figures ng 80 kilalang personalidad mula Asia, Hollywood, Bollywood at iba pa.