
LCSP: Incentive sa nagsusuot di parusa sa di nagsusuot
BAGAMAT tinuldukan na ni President Rodrigo Roa Duterte ang issue sa controversial ng pagsusuot ng “face shields”, gusto pa rin ng Inter-Agency Task Force (IATF) ituloy ang pagsusuot nito dahil added safety net pa rin daw ito.
Kaugnay nito hirit ng commuter at transport advocate Lawyers for Commuters Safey and Protection (LCSP) na imbes na parusahan at pagmultahin ang mga individual na walang suot na face shield bigyan na lang ng “incentive” ang mga nakasuot nito.
Ayon kay Atty. Ariel Inton, founder ng LCSP, kailangang sumunod kung talagang yan ang recommendation ng (IATF) kahit walang matibay na scientific basis para ganitong argument, ngunit iminungkahi rin ng kanyang grupo na bigyan ng incentive ang mga nakasuot ng face shield.
Sa interview, sinabi pa ni Inton maraming mga government officials at mga tao ang nagsasabing dagdag gastos lang ang face shield.
“Maraming establishments ang nagbibigay ng mga incentives sa mga bakunado. Bakit imbes na ipagbawal o sitahin lagi ang walang face shield ay bigyan ng incentive yung meron nito – may discount sa public transport sample pa sa mga business establishments at ilan pang lugar na gusto. Sa totoo lang ginagawa na lang visor o cap ang mga face shield dahil nga nahihirapan huminga at nakakaabala sa paningin ng tao. At maging ang mga enforcers mismo ay walang suot ng face shield. One thing more dito na lang sa Pilipinas ito ginagawang mandatory at nagiging selective sa implementation nito,” ani Inton.
Kaya kung talagang “convinced” ang IATF na kailangan ang pagsusuot ng face shield, imbes na abalahin ang mga walang suot, ay bakit hindi bigyan ng insentibo yung may suot, ulit ni Inton.