
LCSP: Iligtas muna Pilipino bago negosyo
ILIGTAS muna ang Pilipino bago negosyo!.
Ito ang mariing panawagan ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) sa panahon ng pandemya, lalo nat’ lito na ang mga tao.
Sa interview, iginiit ni Atty. Ariel Inton, founder ng (LCSP),na nakalulungkot na may mga individuals na “business and politics ” ang inuuna kaysa sagipin ang buhay ng kapwa.
“Totoo namang kailangang kumita pero ngayong panahon ng pandemya sana naman unahin ang BUHAY bago negosyo,” aniya.
Inihemplo ni Inton ang inventor ng V type 3 point Safety seatbelts, ibinahagi nya ito kahit sa mga competing cars manufacturer dahil inisip nya buhay ng marami ang namamatay dahil sa mga car crashes noon.
Naging matagumpay ang imbensyon ni Bohlin at Volvo kung saan connected ito sa pag manufacture ng mga sasakyan. Pero hindi swapang sa karangalan at salapi si Bohlin at sabi nga niya – “This invention is too significant not to share“. Binuksan nila ang patent ng seatbelt kahit sa mga ka-kumpetensya sa automobile industry. “The seatbelt had more value to save lives than to profit from it.”
“Sa panahon ngayon ay magandang ehemplo si Bohlin at ang seatbelt na kanyang inimbento – na kailangan ay ma-isang tabi ang negosyo at pulitika. Buhay muna!,” saad ni Inton.
Halimbawa, may mga reports na sa ilang ospital ay tinatanong sa pamilya ng nasawi kung OK ba sa kanila na ilagay na cause of death ay COVID-19. Bakit? Dahil ba mas kikita sila dito. May mga gamot na sinasabing mabisa panlaban sa COVID- 19 pero dahil lang sa kalaban sa negosyo o sa pulitika ang nag-offer nito bilang lunas ay kaagad sinisiraan at kaagad tinatanggihan.
Ganun din ang vaccines na imbes ang lunas ang nakikita ay maari daw may mga side effects ito na nakamamatay. Ang iba naman ay tatakutin ang mga tao at sasabihing itong produkto namin ang lunas dyan. Tuloy nalilito ang tao kung ano ba ang totoong lunas. Baka naman lahat ng ito ay lunas pero dahil sa kalaban sa negosyo o sa politika ay kailangang siraan. Paano naman kung talagang makakatulong ang mga ito?, tanong ni Inton.
“Matuto tayo kay Nils Bohlin at ang kanyang seatbelt invention. Dahil kung hindi ay kawawa ang tao dahil hindi matatapos ang pandemyang ito hanggat pinagkakakitaan imbes na sinusugpo at nilulunasan,”dagdag ni Inton.