Ariel Inton

LCSP: Dagdag public transportation makakatulong vs pagkalat ng COVID

April 16, 2021 Jun I. Legaspi 378 views

PAKINGGAN ang hinaing ng public transportation sector! Dagdag public transportation para sa mga pasahero ang kailangang kailangan sa panahon ng pandemya.

Ito ang mariing panawagan ni Atty. Ariel Inton, commuter at transport advocate na founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) sa Department of Transportation, Land Transportation Franchising and Regulatory Board at Inter-Agency Task Force (DOTr-LTFRB-IATF).

Mas maraming public transport, mas maraming masasakyan, mas mabilis ang mobility mas mabilis na maihahatid sa trabaho at pauwi ng bahay ang mga ordinary workers.

“Kung mabilis makakapasok at makakauwi sa bahay dahil enough ang supply ng public transportation, walang kumpulan, walang agawan, walang siksikan mas madaling ma-momonitor ang movement ng bawat individual at mas mabisang maipatutupad ang healthy protocol ng AITF lalo na ang 50% seating capacity at social distancing, mas madaling ma-control ang pag spread ng virus,” saad ni Inton.

Ayon kay Inton isa sa sektor na nilumpo ng COVID-19 ay ang public transport. Nawalan ng hanapbuhay ang mga drivers at konduktor at ang libu-libong manggawa na konektado ang hanapbuhay sa transport. Nalugi ang maraming transport operators dahil walang pasada.

Ang masakit nyan marami pa rin ang naghihintay ng ayuda. Apektado rin ang mga daang-libong pasahero dahil sa kakulangan ng masasakyan. Sumablay ang tantyang ito dahil bagamat mas konti ang pasahero ay mas naging konti naman ang masasakyan.

“Matapos ang mahigit isang taong quarantine ay tila walang nangyayaring ginahawa man lang kaya bumalik ang Metro Manila Plus sa ECQ at ngayon nga ay MECQ. Pero ang public transport hikahos pa rin at mga pasahero hirap sumakay. Bakit? Dahil mas marami pa rin ang pasahero at bawas ang public transport. Marami sa ating mangagawa ay hindi uubra ang work from home policy. Kaya sapalaran sila na mamasada at ilagay ang sarili sa peligro,” dagdag pa ni Inton.

Iminungkahi ng LCSP na huwag nang limitahan ang mga pumapasadang sasakyan lalo na sa mga rush hour kung saan dagsaan ang pasahero. “Ayusin ang mga ruta upang hindi na mahirapan na palipat-lipat pa ang mga mananakay. Maraming ruta ang pinutol kaya mas dumami ang kailangan sakyan. Hindi nga tumaas ang pasahe pero nadagdagan naman ang dapat sakyan ng isang pasehero kaya dagdag pasahe pa rin,” ani Inton.

AUTHOR PROFILE