Default Thumbnail

Lasing nilamon ng dagat sa Gapo

September 3, 2023 Bernard Galang 256 views

ISANG 30-anyos na lalaki ang pinaniniwalaang nalunod matapos lumangoy habang lasing sa beach resort sa Olongapo City noong Sabado.

Ayon sa pulisya, pumunta sa Raniebels Beach Resort, Baloy Long Beach sa Barangay Barretto, Olongapo City ang biktimang si Bernardo Laynes at ang kanyang mga kaibigan.

Matapos mag-inuman, naligo si Laynes at isa pang kaibigan na kinilalang si Russel Santos, 27, ng Porac, Pampanga.

Napansin ng iba pa nilang kaibigan na papalayo na sila sa dalampasigan kaya naman may mga taong tumulong para iligtas sila.

Nagawa ng concerned citizen na sina Morgan Mayor at Jojo Lazaro na mahila papuntang dalampasigan Santos pero nadala si Laynes ng malalaking alon papalayo sa kanila.

Humingi sila ng tulong sa mga miyembro ng Barangay Barretto Fire and Rescue Unit para isinugod si Santos sa James L Gordon Memorial Hospital.

Rumesponde na ang lokal na pulisya para sa search and rescue operation para hanapin ang nawawala pa ring si Laynes.

AUTHOR PROFILE