Default Thumbnail

Lalo lang madidiin si Digong!

March 31, 2025 Vic Reyes 155 views

Vic ReyesICC hindi maiimpluwensyahan ng rally, motorcade, presscon

ISANG magandang araw sa lahat, lalo na sa mga kababayan natin sa Japan at iba pang parte ng mundo.

Nawa’y nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan.

Binabati naman natin si Hiroshi Katsumata na laging kaagapay ng mga kababayan natin sa Japan.

Pagbati rin kina Ma. Theresa Yasuki, Patricia Coronel, Winger dela Cruz, Marilyn Yokokoji ng Ihawan, Glenn Raganas, Ate Vina ng Ihawan, Edwin Ramirez at kay Joann de Guzman at mga kasama niya sa Oman.

Mabuhay kayong lahat!

(Para sa inyong opinyon at pagbati, mag-text lang sa:

+63 9178624484/email: [email protected]. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.

***

Talaga namang nakakatawa ang ginagawa ng mga supporter ni dating Pangulo, Rodrigo R. Duterte sa Pilipinas at ilang parte ng mundo.

Sila ang putak ng putak, samantalang, ang labanan naman ay nasa The Hague, The Netherlands na kung saan nandoon ang International Criminal Court (ICC).

Ang masakit, baka may masabi o magawa sila na lalo lang magdiin kay Digong.

Alam naman nilang de-desisyonan ng ICC ang kaso ni Duterte base sa mga ebidensiya at testimonya ng mga testigo na haharap sa korte.

Hindi mai-impluwensiyahan ng rally, motorcade o press conference ang mga hurado.

Inuulit natin, baka lalong madiin si Digong sa mga pinaggagawa ninyo.

Dagdag gastos lang ang mga yan.

Maging sa pamilya Duterte.

Siguradong sumasakit na ang ulo ni Inday Sara sa laki ng ginagastos ng pamilya Duterte sa depensa ni Digong sa The Hague.

Sa tingin ng marami ay matagal bago matapos ang kasong “crimes against humanity.”

Kung abutin ng walong taon ang kaso ni Duterte ay tatagal kaya ang suporta ng followers nila?
Nagtatanong lang po!

***

Maraming beses ng sinubukan ng mga taga-oposisyon na hikayatin ang taumbayan para mag-people power.

Pero walang nangyari sa mga panawagan nila.

Kahit noong pang hindi nakakulong si dating Pangulong Duterte sinubukan niyang hikayatin ang taumbayan para sumama sa kanya sa isang malakihang mass street action.

Bigo si Digong sa kanyang tangkang magkaroon ng people power sa bansa.

Ngayon nakakulong siya sa The Hague, lalong walang makikinig sa kanya at ang kanyang mga alipures.

At tama ang ginagawa ng mga otoridad na lahat ng lumalabag sa batas ay kinakasuhan sa korte.

Okay lang yan para mabigyan ang mga suspek ng pagkakataon na idepensa ang kanilang mga sarili.

Ayaw ng mga otoridad na basta na lang parusahan ang mga suspek na walang due process of law

Ganyan ang nangyari sa bloody anti-drugs war ni dating Pangulong Duterte,

Ayan, tuloy nahaharap si Digong sa isang napakabigat na kaso sa The Hague.

AUTHOR PROFILE