Bala

Lalaki tinadtad ng bala sa QC

June 2, 2024 Melnie Ragasa-limena 160 views

TINADTAD ng bala ang isang lalaki at iniwan ang duguang bangkay nito sa Quezon City noong Linggo.

Inilarawan ang biktima na nasa edad 35-45, 5’7 ang taas, katamtaman ang katawan, nakaitim na t-shirt, itim na basketball short at may mga tattoo na “DANDOEF, ROBERT, BCJ, EPOY, PETE, DEYTA, REY, DELOS SANTOS JOEL, BCJ.”

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang alas-2:59 ng madaling araw ng matagpuan ang bangkay ng biktima sa Ilalim ng tulay sa North Diversion Road sa Brgy. Unang Sigaw, Quezon City.

Batay sa imbestigasyon ni P/SSg Erwin Jay Mendez, nasa loob ng bahay ang saksing si alyas Raymundo ng makarinig ng sunud-sunod na putok ng baril.

Nang kaniyang usisain, nakita niya ang biktima na nakadapa sa lupa na duguan kaya agad niyang inireport sa mga awtoridad.

Nasamsam ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) team sa crime scene ang limang fired cartridge case, isang deformed na bala at isang kahon ng relo na naglalaman ng shabu.

Nagtamo ng maraming tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima.