Peke PEKE NAKUMPISKA–Nasa larawan ang nakumpiskang pekeng sigarilyo sa Oplan Sita operations sa San Antonio, Nueva Ecija noong Biyernes. Kuha ni Steve Gosuico

Lalaki tiklo sa P16K pekeng sigarilyo

June 29, 2024 Steve A. Gosuico 79 views

SAN ANTONIO, Nueva Ecija–Nasakote ng mga pulis ang lalaki dahil sa pag-iingat ng mga pekeng sigarilyo na nagkakahalaga ng P16,520 sa bayang ito noong Biyernes.

Naganap ang pag-aresto sa suspek at pagkumpiska ng mga sigarilyo naganap sa panahon ni Major Ricardo Salomon Jr. dito bilang bagong police chief.

Sinabi ni Salomon na nasa Oplan Sita sa San Antonio-Zaragoza Road sa Brgy. Santa Cruz bandang 11:20 a.m. ng maaresto ang mga biktima.

Na-flag down ang Kawasaki tricycle na minamaneho ng 24-anyos na naarestong suspek ngunit pagkatapos ng routine inspection, napag-alamang may bitbit itong malaking kahon at 50 reams ng HP at 11 reams ng Carnival cigarettes na nagkakahalaga ng kabuuang P16,520.

Sinabi ni Salomon na agad na inaresto ang suspek matapos mabigong magpakita ng mga kaukulang dokumento kaugnay ng kanyang kargamento.

Nasamsam din ang sasakyan ng suspek habang inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Acts 7394 o Consumer Act of the Philippines at 8293 (Intellectual Property Code of the Philippines) para sa inquest-filing laban sa suspek.

Isinagawa ang operasyon sa gitna ng tagubilin ni General Rommel Francisco Marbil, hepe ng Philippine National Police )PNP), na paigtingin ang crackdown laban sa mga peke at smuggled na sigarilyo.

AUTHOR PROFILE