
Lalaki tiklo sa droga; bebot laglag sa child abuse
NABITAG ng mga operatiba ng Manila Police District ang isang lalaki dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 o Dangerous Drugs Act sa San Fabian St., Tondo, Maynila noong Linggo.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Nass Vargas, station commander, bandang alas-6:45 ng gabi ng maispatan ang suspek na si alyas Bert, 28, ng Gate 10, Parola Compound, Tondo, Maynila.
Nahaharap ang suspek sa kasong pag-iingat ng iligal na droga.
Samantala, timbog din ang isang 31-anyos na babae dahil sa paglabag sa RA 7610 o Child Abuse sa Safari Building, Paco, Manila noong Lunes.
Kinilala ang naarestong babae na si alyas Mary Ann.