Sagip

Lalaki sinagip kapatid, 2 iba pang na trap sa kweba, patay

July 1, 2024 Zaida I. Delos Reyes 82 views

PATAY ang isang 28-anyos na lalaki matapos na malunod nang tangkaing iligtas ang nakababatang kapatid na kasama sa tatlong na-trap sa loob Tubang cave sa Bohol nitong Sabado ng madaling araw.

Nakilala ang biktima na si Larry Quiros, residente ng Barangay Danicop, Antequera, Bohol.

Nailigtas ng mga rumespondeng tauhan ng Philippine Coast Guard at Philippine National Police ang mga na-trap na sina Mary Rose Quiros, 15, Cielo Cruspero , 15,at Carl Lorence Lanojan.

Batay sa ulat ng Coast Guard, nagtungo ang tatlo sa loob ng kuweba para maligo nitong Biyernes ng hapon.

Gayunman, nang magdesisyon silang lumabas ng kweba ay bigla na lamang tumaas ang tubig kaya’t humingi ang isa sa mga ito ng tulong sa kinauukulan.

Agad namang rumisponde ang PCG kasama ang PNP sa lugar at unang nailigtas ang dalawang biktima at naiwan si Mary Rose.

Habang hinihintay ang mga rescuer ay nag-boluntaryo si Larry na iligtas ang kapatid subalis matapos ang tatlong pagtatangka ay nabigo ang biktima at nahirapan nang huming.

Dakong 1:20 ng madaling araw ay nailabas si Mary Rose ng mga rescuer subalit bigo silang iligtas si Larry.

Dahil sa insidente, pansamantalang sinara ang kweba lalo na sa mga bata.