Kulong

Lalaki sa selda swak dahil sa sumpak

February 4, 2024 Jonjon Reyes 295 views

SWAK sa selda ang isang binata matapos na matimbog na may kargadang sumpak ng mga operatiba ng Manila Police District-Sta Cruz Police Station 3 sa Asuncion St., Tondo, Maynila noong Biyernes.

Naninirahan ang suspek na si alyas Ace sa Sta. Mesa, Maynila.

Nahuli ang suspek bandang alas-8:30 ng gabi habang nagsagawa ang mga pulis ng Enhance Managing Police operation (EMPO).

Namataan ang suspek na may ‘di kanais nais na kilos, kayat agad itong nilapitan at sinita ng mga pulis.

Doon na nadiskubre na may tinatagong pen gun o sumpak ang suspek at may lamang bala ng 9mm sa baywang nito.

Bago dinala sa himpilan ang suspek dinala muna sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center para sa physical examination.

AUTHOR PROFILE