![Gulpi](https://journalnews.com.ph/wp-content/uploads/2024/05/Gulpi.jpg)
Lalaki pinaggugulpi, tepok
NAMATAY ang lalaki na pinagtulungang gulpihin dahil sa pag-awat sa away ng kanyang pamangkin sa Kasoy St. malapit sa sa Granate Street, Brgy. 766, Zone 83, San Andres Bukid, Maynila noong Linggo.
Nakilala ang biktima na si Ronaldo Bugayon, 44, residente ng Granate St., San Andres Bukid.
Nakilala ang isa sa mga suspek na si alyas Totits, 31, na naaresto ng mga barangay tanod. Tinutugis pa ang kasamahan ni Tolits.
Batay sa ulat ni Police Captain Dennis Turla, bandang alas-11:15 ng gabi ng pagtulungang bugbugin ang suspek.
Ayon sa isang saksi, habang pinaparada ng pamangkin ng biktima ang kanyang E- Bike niyaya siyang na makipag-inuman ng mga suspek.
Pero tumangi ang pamangkin ng biktima kaya nagkaroon ng mainitang pagtatalo mula sa mga suspek.
Dito na lumapit ang biktima para awatin ang kanyang pamangkin at ang mga nag iinuman pero siya ang napag-balingan ng mga suspek.
Nabatid sa imbestigasyon ng Sta. Ana police station 6 na pinagsusuntok ng mga suspek ang biktima hanggang tumama ang mukha nito sa mga nakaparadang motorsiklo at mabagok ang ulo nito.