Default Thumbnail

Lalaki nasilo sa icepick

June 21, 2024 Jonjon Reyes 66 views

INARESTO ang lalaki ng mga operatiba ng Manila Police District- Ermita police station 5 habang may hawak na icepick sa Mataas na Lupa St., Brgy. 736, Malate, Maynila noong Biyernes.

Ayon sa report nI Police Major Val Valencia mula kay Patrolman Johann Bren Turingan at Patrolman Vince Bermudez, bandang alas-2:50 ng madaling araw ng lumikha ng takot ang suspek na si alyas Sonny, 20.

Nahuli ang suspek ng may humingi ng tulong sa mga pulis ang isang lalaki tungkol sa isang nagsisisigaw sa kalye habang may hawak na icepick.

Nagtungo sa lugar ang dalawang pulis para pakalmahin at masawata ang may hawak na icepick.

Pumalag pa ang binata hanggang sa maposasan at dinala sa presinto.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa BP6 (Illegal Possession of Bladed, Pointed or Blunt Weapons) at Article 151 (Resistance and Disobedience to a Person in Authority or the Agents of Such Person of the Revised Penal Code).

AUTHOR PROFILE