
Lalaki nasakote sa sexual assault
SWAK sa selda ang suspek sa sexual assault nang matunton ng mga tauhan ng District Investigation Division ng Special Mayor’s Reaction Team (DID-SMaRT) sa Oro B St., Brgy. 770, Zone 84, Sta. Ana, Maynila noong Linggo.
Sa report ni Police Major Rommel Reyes Purisima, hepe ng DID- SMaRT, bandang alas-2:20 ng hapon nang arestuhin ang suspek na si alyas Stephen, 31.
Pwedeng lumaya pansamantala ang suspek kung makakapag-piyansa ng P200,000 ayon sa utos ng korte.