
Lalaki nakakulong na, arestado pa dahil sa sexual assault
INARESTO ng mga operatiba ng Manila Police District-Pandacan police station ang 24-anyos na lalaki dahil sa kasong sexual assault noong Lunes ng umaga sa loob ng detention cell ng Pandacan police jail.
Nakilala ang suspek sa alyas Christian.
Sa ulat ng MPD Warrant and Intel Section, bandang alas-11:20 ng umaga nang matunton ng mga awtoridad ang suspek kaya diretso aresto na ang binata habang nakakulong sa nasabing presinto
Ayon sa mga pulis, nadiskubre ang suspek na may nakabinbin na arrest warrant ng makita ang rekord ng binata.