posas

Lalaki nag-amok sa palengke ng Baseco, huli

February 5, 2024 Jonjon Reyes 176 views

NATIMBOG ang isang 44-anyos na lalaki ng mga operatiba ng Manila Police District Baseco PS 13 dahil sa paga-amok umano nito habang hawak ang improvised na baril sa kahabaan ng Baseco Public Market Block 15B, Baseco Compound, Barangay 649, Port Area, Manila.inuulat ng pulisya..

Kinilala ni Police Lt.Col.Emmanuel “Mike” Gomez ang suspek na alyas “Toto” binata, helper ng nasabing lugar,.

Ayon sa report ng pulisya bandang 10 p.m. nang mapansin nila na may nagwawala at kaguluhan sa Baseco market habang nagsasagawa ng Oplan Galugad ang mga kapulisan

Agad na tinungo ng mga operatiba ang kaguluhan at dito na nakita ang suspek na nagsisisigaw habang may hawak na improvised firearm na nagdulot ng takot sa mga residente sa naturang lugar,.

Agad nilapitan ng mga otoridad ang suspek para pakalmahin at ibaba ang kanyang bitbit na baril, ngunit sa halip na sumuko, ay mabilis na tumakbo ang binata, hanggang sa makorner ng mga pulis.

Narekober sa suspek ang isang improvised firearm na may laman na live ammunition,

Nahaharap sa kasong paglabag sa R.A.10591 (Comprehensive Firearms Law and Ammunitions) ang suspek,,

AUTHOR PROFILE