Posas

Lalaki huli sa boga, bala sa Tanauan

January 31, 2024 Jojo C. Magsombol 385 views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas–Tiklo dahil sa pag-iingat ng baril ang lalaki noong Martes sa Brgy. Tinurik, Tanauan City, Batangas.

Nakatira sa Tanauan City ang natimbog na suspek na si alyas Denver, base sa report ni Batangas police director P/Col. Samson B. Belmonte.

Nahuli siya alas-5:00 ng umaga sa bisa ng arrest warrant na inisyu ng Regional Trial Court Branch 83, Fourth Judicial Region ng Tanauan.

Saksi sa pag-aresto sina Brgy. chairman Erickson Moncayo at Kagawad Jayson Sarmiento. Nakumpiska sa suspek ang isang sling bag, kalibre .45 na pistol at apat na bala.

Kasong paglabag sa RA 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang kasong isasampa sa suspek ayon kay Belmonte.

AUTHOR PROFILE