Baril

Lalaki, angkas huli sa baril

July 24, 2023 Edd Reyes 357 views

INARESTO ng pulisya ang 25-anyos na lalaki at kaangkas nito sa motorsiklo nang mabisto na may dalang hindi lisensiyadong baril Linggo ng gabi sa Caloocan City.

Kinilala ang suspek na si Wesley Ramandaban, ng 3384 Acacia St. Brgy. 178.

Nakumpiska sa kanya ang isang kalibre .38 Smith and Wesson snub nose revolver na walang serial number at kargado ng tatlong bala.

Isasailalim naman sa pangangalaga ng Caloocan City Social Welfare Department ang 17-anyos na kaangkas niya makaraang makumpiska sa kanya ang isa ring kalibre .38 revolver na kargado ng dalawang bala.

Natiklo ang dalawa sa pangunguna ni P/Maj. Ramil Pillos, commander ng Police Sub-Station 10, dakong alas-10::35 ng gabi nang mamataan sa Zapote Road malapit sa kanto ng Camarin Road, Brgy. 178.

Mahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act si Ramandaban, ayon sa pulisya.

AUTHOR PROFILE