Solidum DOST Secretary Renato Solidum Kuha ni CHONA YU

La Nina 62% na mararanasan sa PH

March 26, 2024 Chona Yu 94 views

NASA 62 percent ang posibilidad na makaranas ng La Nina ang Pilipinas sa Hunyo hanggang Agosto ngayong taon.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Department of Science and Technology Secretary (DOST) Secretary Renato Solidum, dahil sa nararanasa pa ngayon ang El Nino o tagtuyot, hindi agad maapektuhan ang epekto ng La Nina.

“So, there will still be some provinces to be affected by the combined effect of El Niño and the preparation for La Niña which would bring in less normal rainfall. Hence, we need to continue doing the operations for El Niño preparedness but also keeping in mind that we need to prepare for La Niña in the second half of the year,” pahayag ni Solidum.

Sinabi naman ni Ana Liza Solis, chief ng Climatology and Meteorology Division ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration na kapag tumama ang La Nina sa huling bahagi ng taon asahan nang mararanasan ang malalakas na bagyo.

Ayon kay Solis, nasa 13 hanggang 16 na bagyo ang ang inaasahang papasok sa bans ana aniya ay way below normal average na 19 to 20 na bagyo pag walang phenomenon.

Paliwanag ni Solis, sa panahon ng La Nina, mas dumadalas ang dating ng bagyo.

Dahil aniya ito sa pag init ng temperatura ng karagatan, kaya posibleng ma develop ang tropical cyclone.

AUTHOR PROFILE