Marlon

LA NINA

July 15, 2024 Marlon Purification 426 views

BALIK na naman tayo sa dating problema!

Kaunting buhos lang ng ulan ay mataas na agad ang baha sa kalsada!

Hindi lang iyan sa Metro Manila kundi pati na rin sa mga mauunlad ng probinsiya. Iyong mga nasa kabukiran naman ay nakaamba pa rin ang landslide at siyempre ang pagkasira ng kanilang mga pananim,

Kamakailan ay itinaas ng Philippine Atmospheric Geophy­sical­ and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang La Niña alert dahil lumalamig na ang temperatura sa Pacific Ocean.

Sinabi ng PAGASA na 70 percent na ang posibleng pananalanta ng La Niña. Mararanasan daw ito sa susunod na buwan na tatagal hanggang Oktubre.

May posibilidad pa na makakaapekto hanggang sa susunod na taong 2025.

Dahil dito, pinayuhan ng PAGASA ang mamamayan at ang Disaster Risk and Reduction Management Office sa mga probinsiya na maghanda sa epekto ng La Niña sa kanilang lugar.

Huling naranasan sa bansa ang La Niña noong Nob­yembre 2021 na nagdulot nang matagalang pag-ulan, pagbaha at pagguho ng lupa sa maraming lugar. Na­itala naman mapaminsalang La Niña noong 1999 kung saan walang patid ang buhos ng ulan na nagdulot ng pagbaha at landslide.

Ang La Niña ay weather phenomenon na mahaba ng panahon ng tag-ulan. Lumalamig ang tempera­tura ng silangang bahagi ng Pacific Ocean na nagi­ging dahilan para mabuo ang mga bagyo na may kasamang malalakas na pag-ulan at kasunod ang mapaminsalang baha.

Ang Metro Manila ay hindi ligtas sa baha.

Sabagay, kahit walang La Niña, problema na talaga ang baha sa Metro Manila dahil sa mga baradong drainage at mga estero na tinatambakan ng basura. Dahil barado ang drainages, walang madaluyan ang tubig kaya nagkakabaha. Matagal na ang problema sa baha sa Metro Manila at hindi masolusyunan.

Labas pa riyan ang problema ng mga ‘informal settlers’ na karamihan sa kanila ay nakatira rin sa mga estero, kanal at drainages na dahilan din upang mabarahan ang agos ng tubig baha patungo sana sa Manila Bay. Problema rin mula sa kanila ang walang patumanggang pagtatapon ng basura na gawain din nating mamamayang Pilipino.

Sa darating na Lunes ay muling magkakaroon ng State of the Nation Address (SONA) ang Pangulong Bongbong Marcos.

Ikatlong SONA niya ito na sana ay mabanggit din at mapagtuunang pansin ang problema ng LA NINA at ang nakaambang malawakang baha.

Batid nating maraming problema ang kinaharap ng Pangulong Marcos. Ngunit kung magiging sincere lamang ang mga opisyales na pagtuunang pansin ang mga problemang ganito, sigurado tayong kahit papano ay mabibigyang solution ang problemen dulot ng La Nina.

Iwan na sana natin ang ugali na saka lamang uli kikilos kontra malawakang baha kapag nandiyan na ang sakuna at tragedya.

Mas maganda pa ring ugali ang maayos na paghahanda!