
Kyline, hiyang-hiya kay Bea sa lumalang ‘cake-holding’ issue
Finally ay nagsalita na si Kyline Alcantara hinggil sa kontrobersyal na “cake-holding” issue sa kanila ni Bea Alonzo na inintriga talaga nang bonggang-bongga ng mga tao.
Ito ‘yung insidente sa All-Out Sundays kamakailan kung saan ay nagkaroon ng special birthday presentation sa programa si Kyline at binigyan siya ng birthday cake.
Habang nagpapasalamat si Kyline sa kanyang mga sponsor ay kinuha ni Bea ang cake mula sa kanya. Hinawakan muna niya ito na para sa amin ay isang napakagandang gesture.
Pero inintriga pa ng mga tao si Bea at sinabihang nagmukha siyang alalay ni Kyline.
Sa latest video interview ni Kyline with some showbiz press na in-upload ng kasamahang Glenn Regondola, naitanong nila sa young actress kung ano ang masasabi nito hinggil sa issue.
Ayon kay Kyline ay wala naman daw siyang intensyon na paghawakin ng kanyang cake si Bea.
“I’m happy dahil nag-celebrate po ako ng birthday sa All-Out Sundays, and the thing that happened during and after, siyempre po nakakagulat kasi wala naman po ‘yun sa…
“Walang intensyon na anything du’n na pagbuhatin ko si Ate Bea ng cake, and nakita ko naman po du’n sa video na siya naman po ‘yung… as in nag-effort si Ate Bea, and I’m so grateful for that.
“And, sana lang po talaga, like ‘yung ibang tao, bago po mag-judge or make a comment, sana po panoorin muna nila ‘yung buong video,” she explained.
Hiyang-hiya nga raw si Kyline kay Bea nang hawakan nito ang cake kaya naman puring-puri niya ang aktres sa pagiging humble nito.
‘Kaya kung makikita niyo du’n sa video, habang nagsisimula ako, tiningnan ko uli ‘yung cake, kasi nahihiya ako na siya ‘yung may hawak,” she said.
Nagulat daw siya na naging issue pa ito at ang daming sinasabi ng mga tao.
“Dahil lang sa paghawak ng cake, ang dami na agad nasasabi. But then again, we have freedom of speech pero sana, ‘yung freedom of speech, meron ding awareness na we need to know the two sides of the story,” sey ni Kyline.