
Kyline at Kobe tahimik sa isyu ng hiwalayan
TOTOO ba na may lamat na ang relasyon nina Kyline Alcantara at Kobe Paras? O baka naman hiwalay na sila.
Tanong ‘yan ng netizens na sumubaybay nu’ng panahong super public display sila ng affection, huh! Kung saan-saan nagpupunta at para bang wala nang katapusan ang lahat.
But suddenly, nawala ang posts nina Kyline at Kobe. Anyare? Shortlived ba ang kanilang romansa?
Eh, sa isang post ng kaibigan na malapit sa KoKy couple, mahiwaga ang post na soon, truth will come out?
What truth? Na hiwalay na talaga?
Wala nang direktang pag-amin sina Kobe at Kyline na may relasyon na. Siyempre, actions speak louder than words.
Eh, wala ngang aksyon at wala pang words, nakabibingi ang katahimikan nina Kobe at Kyline, huh!
BARBIE AGAW-EKSENA SA GABI NI DAVID
HETO namang si Barbie Forteza, tila gustong ipagsigawan na may relasyon na sila ni David Licauco, huh!
Present si Barbie sa premiere night ng movie ni David na “Samahan Ng Mga Makasalanan.”
Agaw-eksena si Barbie kahit hindi naman siya kasama sa movie, huh!
Tutal naman, panay ang pahangin ni David na he cares a lot about Barbie, bakit hindi pa sila umamin lalo pa’t loveless naman sila ni Barbie?
Hoy matatanda na kayo, kaya huwag nang magpa-cute, ’no!?