Melai

Kwentuhan at kantahan hatid ng PIE channel

October 10, 2022 People's Tonight 465 views

Makabuluhang kwentuhan at masayang kantahan ang hatid ng PIE (Pinoy Interactive and Entertainment) Channel sa viewers mula umaga hanggang gabi dahil sa mas pinasiksik na palabas ng Brgy. Piesilog, Pieborito at Pie Night Long.

Tuwing umaga (Monday to Sunday, 10 a.m.-12 nn), makakasama ng viewers ang “brunchkada” nina Gretchen Fullido, Abby Trinidad, Frances Cabatuando, Mayor TV, Tristan Ramirez (Lunes hanggang Sabado) Madam Inutz, Migs Bustos at Nicole Cordovez (tuwing Linggo) sa Brgy Piesilog na layuning maglingkod sa bayan sa pamamagitan ng paghahatid ng mahahalaga at praktikal na impormasyon.

Mula Lunes hanggang Sabado, mapapanood ang “Eto na Nga,” kung saan malalaman ng publiko kung paano makahanap ng trabaho, mga importanteng public service announcement mula sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno, NGOs at advocacy groups.

Praktikal na tips sa buhay naman ang hatid ng “Life Guro,” samantala pwedeng humingi ng advice ang mga taong may pinagdadaanang pagsubok sa “Sumpungan HQ.”

Ibibida naman tuwing Linggo ang iba’t ibang klase ng negosyo at paninda sa “Pasok mga Suki,” habang libreng on-air consultations kasama ang guest doctors at kaalamang pangkalusugan ang itatampok sa “Dr. Care.”

Pagsapit ng tanghali (Monday to Sunday, 12 nn-4 p.m.), nariyan naman sina Janine Berdin at Raco Ruiz para sa Pieborito na magpapakilala ng mga bagong music video sa “Playlist Natin!”

Mapapanood din ang kulitan ng PIE jocks sa likod ng kamera sa “Pie Extra Slice” at mababalikan ang kilig sa rerun ng On The Wings of Love at “Iba: Long Cut.”

Makakasama naman kada gabi (Monday to Sunday, 8-11 p.m.) sina Aaron Maniego, Karen Bordador, Renee Dominique (Lunes hanggang Biyernes), Elmo Magalona at Vivoree (tuwing Linggo) sa Pie Night Long.

Sa segment na “How to B U?,” masusubukan ng jocks ang buhay ng isang manggagawa. Itatampok sa “Moment Mo” ang buhay ng isang artista o ordinaryong tao, habang love at life advice naman ang hatid ni Karen Bordador sa “Tender Love & Karen.”

Makiki-marites din ang jocks dahil pag-uusapan nila ang mga kontrobersyal na isyu sa “Uzi.” Tuwing Linggo, kantahan at chikahan naman ang magaganap kasama ang musical guests ang hatid ng “Pie Night Long Sessions.”

Bukod dito, may bagong shows at jocks din ang PIE. Nariyan sina Anji Salvacion, Eris Aragoza, Ralph Malibunas, Sam Bernardo (Lunes hanggang Sabado) sa PIEgalingan, Gello Marquez, Jeremy G, Reign Parani at Vivoree (Linggo) sa PAK! Palong Follow; Eian Rances, Negi, Sela Guia, Kevin Montillano, Nicki Morena, Ruth Paga, Nonong Ballinan (Lunes hanggang Sabado) Inah Evans, Kid Yambao, Patsy Reyes at Jackie Gonzaga (tuwing Linggo) sa PIEnalo Pinoy Games; at Melai Cantiveros, Jhong Hilario, Kaila Estrada, at ex-PBB housemates sa The Chosen One.
Ang PIE ay hatid ng ABS-CBN, Kroma Entertainment, BEAM at 917Ventures. Ni Mercy Lejarde

AUTHOR PROFILE