Krizza Krizza Gilliam Yco

Krizza binitawan ang titulo para sa pag-aaral

February 1, 2025 Aster Amoyo 306 views

BINITAWAN ni Krizza Gilliam Yco ang kanyang korona bilang Miss Universe Philippines – Pampanga 2025, na epektibo nitong Enero 30, ayon sa Miss Universe Philippines – Pampanga Organization.

Ayon sa pahayag ng organisasyon, nagdesisyon si Krizza na bitiwan ang kaniyang titulo para bigyan ng prayoridad ang kanyang pag-aaral.

“We are filled with admiration for Krizza’s courage to put her future first, and we will forever cherish the memories and the grace she brought to her reign as our queen,” saad ng organisasyon.

Nagpahayag din ang organisasyon ng buong suporta nito sa kaniyang desisyon, at idinagdag na patuloy nila itong susuportahan. ”Cheering her on in every new chapter of her life, celebrating her victories and supporting her dreams!”

Bianca laging tinatandaan ang payo ng lola

BiancaBINALIKAN nina Bianca Umali at ng kanyang Lola Vicky ang pagsisimula ng aktres sa showbiz kung saan ang kanyang lola ang lagi niyang kasama dahil maaga siyang naulila sa mga magulang.

Sa episode ng cooking talkshow na “Lutong Bahay” nitong Huwebes, naibahagi nina Bianca sa mga host na sina Mikee Quintos at Kuya Dudut, na nagsimula siyang lumabas sa mga commercial noong dalawang taong gulang pa lang siya.

Nang maging pitong taong gulang na, nagsimula siyang mag-audition sa telebisyon, at noong siyam na taong gulang siya, napasama na siya sa TV show na ‘Tropang Pochi’ sa GMA.

Ngunit kahit lumaki bilang child star, sinabi ni Lola Vicky na hindi lumaki ang ulo ni Bianca dahil natural sa aktres ang pagiging mapagpakumbaba.

“Nasa kanya ‘yon, hindi dahil sa akin. Mabait kasi siya talaga,” pagmamalaki ni Lola Vicky.

May pagkakataon din na medyo nabu-bully ang aktres noong nagsisimula pa lang sa showbiz.

May mga stories si Mama Vicky na sometimes she would get a little bullied and all that, pero never siyang pumatol. “Ever. Never. What she always told me was, ‘Darating din ‘yung oras mo,’ Kami rin kasi talaga ‘yung pinakabago noon.

“Kasi nga na-instill sa ‘min ni mama na kung ano ‘yung wala ka, eh wala eh. Paghirapan mo para magkaroon ka and that was okay. We were happy as long as alam namin na mama was there,” dagdag niya.

Ayon kay Bianca, ang lahat ng kanyang pagsisikap ay para sa kaniyang lola.

“Para sa kanya lahat ‘to eh. Utang ko sa kanya ‘yung buhay ko and paulit-ulit ko ipangangalandakan na lola’s girl ako kasi wala ako sa kinaroroonan ko kundi dahil sa kanya.”

Joaquin ikinasal sa non-showbiz partner

Joaquin
Joaquin Manasala at Maricar Marquez

KAPUSO star Joaquin Manansala is officially a married man. Ikinasal ito sa non-showbiz partner na si Maricar Marquez.

On Instagram, the actor shared a short video of their K-drama-inspired wedding reception, giving fans a glimpse of the beautiful highlights from the event.

The couple shared a sweet dance on stage, with moments of heartwarming affection.

Sparkle GMA Artist Center also posted snaps of the breathtaking ceremony, officially announcing the good news with a heartwarming caption.

“Here’s to love and laughter and happily ever after. Cheers to the just married Joaquin Manansala and his beautiful bride.”

Um-attend sa wedding ang Sparkle stars na sina David Licauco, Gary Estrada, Herlene Budol, Dustin Yu, Jon Lucas, and Kim Perez.

Janice balik-GMA pagkatapos ng limang taon

Janice
Janice de Belen

MATAPOS ang ilang taon, muling mapapanood ang batikang aktres na si Janice de Belen sa Kapuso network.

Guest star kasi si Janice sa GMA Afternoon Prime legal-drama series na Lilet Matias, Attorney-At-Law kung saan mapapanood siya bilang si Atty. Clarisse Zamora.

Si Atty. Clarisse ang abogado ni Patricia (Sheryl Cruz) laban sa mga akusasyon ni Renan (Tom Rodriguez) na siya ang pumatay kay Meredith (Maricel Laxa-Pangilinan).

Bukod kay Janice, isang Kapuso A-list actor pa ang mapapanood sa nalalapit na pagtatapos ng Lilet Matias, Attorney-At-Law.

AUTHOR PROFILE