Kris papasok na rin sa pulitika?

June 26, 2021 Joey Aquino 453 views

NAILIBING na ang mga labi ng dating Pangulo Benigno Simeon Cojuangco Aquino III sa tabi ng mga namayapa na ring mga magulang na sina dating Senador Benigno Aquino Jr at dating Pangulong Corazon Aquino sa Manila Memorial Park sa Sucat, Paranaque. Binawian ng buhay si Pnoy noong Huwebes, June 24 dahil sa renal failure secondary to diabetis.

Bumuhos ang pakikiramay at simpatiya sa pamilya Aquino, mula sa mga misang ginanap sa Ateneo de Manila (Quezon City campus) sa Church of Gesu, at sa maayos na paglilibing. Sa gitna ng pagdadalamhati, matapang na humarap sa media ang kanyang mga kapatid na sina Balsy Cruz, Viel, Pinky Abeleda at Kris Aquino para pasalamatan ang bayan sa ipinakitang pagmamahal sa kanilang Kuya Noynoy. Pinasalamatan ni Kris ang Malacañang at si Pangulong Rodrigo Duterte sa pakikiramay sa kanilang pamilya.

Sa ganitong pagkakataon, isinantabi muna ang pulitika. Ito rin ang panawagan ni Pangulong Duterte. As we pay respect and tribute to PNoy, his legacies are remembered. Iisa lang ang sinasabi ng karamihan, isa siyang disenteng pangulo. Bilang Aquino, proud ako sa accomplishments at legacies ni Noynoy. He was also my neighbor as I live along Times Street. Na naging sentro ng atensyon dahil sa mga nagmamahal sa kanya na nag-alay ng bulaklak sa harap ng kanyang bahay.

Komento ng isang indibidwal na ininterbyu sa TV, kawawa raw si PNoy dahil wala siyang sariling pamilya. Sobrang outdated ang ganitong pananaw. Noynoy served his life to the fullest. And the caption of one post (showing him hugged by his late parents) I saw on social media says it best: “You did a good job, son!”

Samantala, marami ang naintriga sa pahayag ni Kris. Ito na ba ang hudyat ng kanyang pagpasok sa pulitika para ituloy ang legacy ng kanyang mga namayapang magulang at Kuya Noynoy? Just asking…

Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 0905-558-4811 or email us at [email protected]

AUTHOR PROFILE