
Kris, gustong abutan ang pag-graduate ni Bimby
“Mahaba pa ang laban.”
Ito ang pahayag ni Kris Aquino sa latest update na ibinigay niya sa kasamahan sa panulat na si Dindo Balares, matalik na kaibigan ng TV host/actress.
Sa kanyang Facebook post ay sinabi nito na tuluy-tuloy ang gamutan ni Kris base na rin sa huling chat nila.
“Tuloy ang pagpapagamot ni Kris sa kanyang mga karamdaman. Tulad ng karamihan sa atin, may feeling din siya na may malaking binago sa kalusugan ng mundo ang covid.
“Bagama’t nahihirapan, may mga bagay pa ring dapat ipagdiwang at ipagpasalamat, ayon na rin sa huling chat namin,” post ni Dindo.
Sobrang touched at nagpapasalamat nga raw si Kris sa mg taong nagmamahal at nagdarasal para sa kanya.
“The loyalty & genuine love of people like you and the prayers, generosity, and kindness of people i’ve never even met — super blessed na ‘ko,” sey daw ni Kris.
“Touched na touched si Kris sa prayers for healing ng kanyang mga kaibigan at followers. Pinalalakas at pinatatapang siya ng kanyang well-wishers,” kwento ni Dindo.
Patuloy nga raw na lumalaban si Kris at gusto pa niyang makitang maka-graduate ang bunsong anak na si Bimby sa Ivy League School sa US o sa alinmang sikat na unibersidad dito sa Pilipinas.
“Mahaba pa ang laban — my goal is to see Bimb graduating from an Ivy League School here or UP, UST, or Ateneo Med School,” pahayag daw ni Kris.
Nilinaw din ni Dindo na ang kumakalat na diumano’y latest photo ni Kris. Hindi ito totoo at taong 2019 pa raw ang larawan.
“May updates at may ipinadalang photos sa akin si Kris kamakailan, kaya nang makita ko ang litrato na sinasabing mula raw sa latest post niya, agad kong nasagot na, ‘not true’ (na ito ang latest photo niya).
“January 9, 2019 pa po kinunan ang said picture,” paglilinaw ni Dindo.
RABIYA, SUMUPORTA
Suportado ni Miss Universe-Philippines 2020 Rabiya Mateo ang CEO ng Brilliant Skin Essentials at dating Pinoy Big Brother housemate na si Glenda Victorio sa laban nito against another beauty brand owner na si Rosmar Tan ng Rosmar Skin Essentials.
Dumulog sa Quezon City Prosecutors office ngayong Lunes, October 10, si Glenda para maghain ng kasong multiple cyber-libel and unjust vexation.
Ang pagsasampa ng kaso ni Glenda laban sa kapwa-CEO ay kaugnay ng diumanoy “malicious” at “defamatory” na mga patutsada sa social media.
Ang mas ikinagalit ni Glenda ay ang pagdawit ni Tan sa kanyang pamilya at tila mga pagbabanta nito na diumano’y below the belt na.
Bilang isa sa brand ambassadors, nagpaabot ng suporta si Rabiya.
“Buong puso po akong sumusuporta kay Miss Glenda kasi alam ko po kung gaano siya kabuti bilang isang tao, alam ko na wala talagang masamang tinapay at ipinaglalaban niya lang po kung ano ang tama,” ani Rabiya sa isang video.
Samantala, bukas ang aming column para sa panig ni Rosmar.