
Kris at VG Mark, one big happy family sa US
Parang one big happy family ngayon sina Kris Aquino at Batangas Vice Governor Mark Leviste sa US dahil kumpleto sila kasama ang kanilang mga anak.
As we all know ay kararating lang ng dalawang anak ni Kris na sina Joshua at Bimby sa Los Angeles, California para samahan siya.
Sa latest Instagram post ni Kris ngayong araw ay nagbigay siya ng update at nag-post ng larawan nilang mag-iina na nasa isang kama’t napapagitnaan siya ng dalawang anak.
Ikinuwento niyang nagsimba si Joshua kasama si VG Mark at ang dalawang anak nito.
“About their 1st day back… bimb slept from 3 AM to 3:30 PM. Kuya slept at 2 AM but was up at 8 AM. He went to Mass with vice gov @markleviste, and his 2 kids who are here (allowing them their privacy because i didn’t ask permission if i could put their names in my caption) then they all had lunch with kuya’s favorite Tito Allen & Tita Irene (we consider them as valued members of a growing list of very kind friends we now consider as our extended Southern California family)… Kuya wanted siesta around 4:30 PM so sinamahan ko sya and i fell asleep again,” simula ng kwento ni Kris.
“When bimb came back to our room after eating a very late lunch, Kuya woke up and said he’d walk around. Bimb said he was sleepy kaya sinabayan ko rin sya. Until i woke up and saw it was already 10:20 PM… super well rested ako, sumobra nga lang ang tulog… sobrang na miss kong sumiksik sa aking 2 giants,” patuloy ni Kris.
Bagama’t may karamdaman, positibo pa rin ang outlook ni Kris at nagpapasalamat sa kanyang dalawang anak gayundin sa mga taong nagdarasal para sa kanyang paggaling.
“Kahit matindi ang pinagdadaanan, i remain very grateful to God for blessing me with my 2 sons and blessing us with so many Prayer Warriors.
“Thank you for including my healing in your prayers even though you don’t even know me personally.
“When i read your comments, i get teary eyed because i ask myself- what did i do to deserve this outpouring of concern & compassion? Maraming salamat dahil sa gitna ng mga sarili nyong mga problema, naiisip nyo pa rin isama ako at ang mga anak ko sa inyong panalangin. God bless you more,” saad pa ni Tetay.