
Kris at PNoy nagkaayos bago namayapa ang huli
NAGPAPASALAMAT ang dating Presidential daughter at sister, ang TV host-actress na si Kris Aquino na nagkaayos sila ng kanyang nakatatanda and only brother na si PNoy (dating Pangulong Noynoy Aquino or Benigno Simeon Cujuangco Aquino, III) bago ito namatay nung nakaraang Huwebes ng umaga, June 24. Sa magkakapatid, it was PNoy and his youngest sister ang madalas magkaroon ng tampuhan over personal issues. Pero sa kabila nito, Kris will always remember her only brother sa pagiging protective nito sa kanilang pamilya, pagiging honest at dedicated nito sa trabaho at pagmamahal sa bansa. He was also a doting uncle sa kanyang mga pamangkin laluna sa eldest son ni Kris na si Joshua.
Ngayong wala na si PNoy at mga magulang na sina dating Pangulong Cory Aquino at dating Sen. Ninoy Aquino, mananatiling sandalan ni Kris ang kanyang tatlong nakatatandang kapatid na sina Balsy, Viel at Pinky maging ang kanyang dalawang anak na sina Joshua at Bimby.
Boss Vic umaasang magbubukas ang mga sinehan sa December
UMAASA ang big boss ng Viva group of companies na si Boss Vic del Rosario na mabubuksan na ang mga sinehan sa Disyembre para unti-unti na ring makabawi ang industriya ng pelikulang Pilipino, kasabay ng ekonomiya ng bansa. Ito’y maa-achieve lamang kung tuluy-tuloy ang pagbabakuna laban sa Covid-19.
Ang Viva Films lamang ang bukod tanging film outfit na walang hinto sa pagpu-produce ng mga pelikula not only for their own Vivamax streaming platform kundi para na rin sa theatrical release, kung sakali.
Kapag natuloy ang 2021 Metro Manila Film Festival, Viva is fielding three movies at kasama na rito ang action movie na “Hard Day” nina Dingdong Dantes at John Arcilla na pinamahalaan ni Lawrence Fajardo and two co-produced movie, isang Vice Ganda starrer at ang isa ay movie ng magkapatid na Toni at Alex Gonzaga na joint venture ng Ten17P Films ng director-producer husband ni Toni na si Paul Soriano. Nariyan pa ang isang Aga Muhlach lead film.
Sa ngayon, may 17 finished films na ang Viva at labas pa ang mga ito sa mga pelikulang nakatakdang ipalabas sa Vivamax platform.
Sa kabila ng pandemya, kabi-kabila rin ang shootings and tapings ng Viva Films and Viva TV for their various platforms including their very own PBO, Sari-Sari channel and their partnership with Cignal TV and TV5.
The Del Rosario helmed company has various businesses bukod sa films, TV records and music production, live concerts and talent management, pinasok na rin ng Viva ang publishing, distribution, food business, different digital platforms and business tie-ups and collaborations with various companies abroad.
Ang food business ng Viva, ang Viva International Food and Restaurants, Inc. ang siyang local franchisor ng mga kilalang foreign food brands tulad ng Botejyu, Paper Moon, Pepi Cubano, Wing Zone and Yogorino. Botejyu alone has already 29 branches in the Philippines at matatagpuan sa mga kilalang malls. Ang goal ni Boss Vic ay umabot ito ng 100 branches in the years to come. Viva has a long business partnership with Botejyu Japan owner.
Viva also holds the biggest and exclusive Korean movie catalogue in the Philippines.
At 75, Boss Vic, the business visionary has no intentions to retire in the next couple of years but he’s proud that his children and grandchildren are already part of his business empire.
“I’m doing all of these for my children and grandchildren at sa mga taong nabibigyan natin ng trabaho,” simple pero makahulugang pahayag ng business visionary na si Boss Vic del Rosario who started out as a young businessman when he founded Vicor Music Corporation, a record company in 1965 with his cousin, Boss Orly Ilacad who owns OctoArts Films. From the 60’s to the 70’s, Vicor became the number one record company in the Philippines and the home of the top recording stars and artists. Aside from the local hit songs, Vicor also became the local distributor of major foreign labels and also produced live concerts featuring foreign artists.
The Vicor catalogue is now owned by Viva.
Rhen biglang naging in-demand
IMMEDIATELY after “FPJ’s Ang Probinsyano,” agad sinimulan ng young actress na si Rhen Escano ang pelikulang “The Other Wife” na pinagsamahan nila nina Lovi Poe at Joem Bascon at pinamahalaan ni Prime Cruz. After the filming ng “The Other Wife” ay agad isinunod dito ang unang tambalan nila ni Jao Mapa, ang “Kung Hindi Man” mula sa panulat at direksiyon ni Yam Laranas. Kasama rin si Rhen sa pelikulang “Rooftop” and another movie with Bela Padilla and Marco Gumabao na Philippine adaptation ng Korean movie na “Spellbound” na ready for release na.
Isa rin si Rhen sa gustong idirek ng most in-demand writer-director na si Darryl Yap.
Suzi sinorpresa ng mga kasamahan
SA 46th birthday ng seasoned TV host na si Suzi Entrata-Abrera last June 22 ay sinorpresa siya ng kanyang mga kasamahan sa programa ng “Unang Hirit,” ang longest early morning show ng GMA kung saan isa siya sa original hosts along with Arnold Clavio, Lyn Ching-Pascual, Ryan Agoncillo, Mickey Ferriols at Miriam Quiambao. Sina Ryan, Mickey at Miriam ay matagal nang wala na programa at nagkaroon ng ibang karagdagang hosts tulad nina Ivan Mayrina, Pia Arcangel, Connie Sison, Mariz Umali at iba pa habang may sariling segment pa rin sina Love Anover, Lhar Santiago at Nathaniel Cruz.
Nakapag-host na rin si Suzi ng iba pang programa tulad ng “Mars” at “Game Plan” kung saan niya nakilala ang kanyang husband, ang host at environmentalist na si Paolo Abrera. The couple got married on May 6, 2001 sa Colegio de San Agustin chapel in Makati. Ang mag-asawa ay merong tatlong anak na lahat babae – sina Leona (18), Jade (17) at Antonella (15).
Suzi considers “Unang Hirit” co-hosts her second family. Nagsimulang umere ang show nung December 6, 1999.
Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTalk with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on my Instragram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.